"Ezekiel mukhang lasing kana!"
Napasimangot ako habang nakatitig kay Ezekiel na pumipikit-pikit na dahil sa kalasingan.
Inalalayan ko siyang makatayo dahil natutumba na ito.
"Ayos lang ba na ikaw na magdala sa kanya sa silid Kezay?" Sabi ni Kuya Zam.
"Hindi po kami uuwi?" Nabigla kong tanong. Hindi ako nakapag paalam kay Messiah! Baka magalit siya saakin, pinagbawalan pa naman niya ako na makipag lapit na ng husto kay Ezekiel kaso hindi ko matanggihan si Ezekiel kanina nong naglalambing siya sakin na magpasama dito sa condo ng pinsan niya dahil mag-iinuman sila.
"Wag na kayong umuwi Kezay! Gabi na at lasing si Ezekiel, hindi ko kayo pwede ipag-drive dahil medyo nahilo na din ako. Baka ano pa mangyari saatin. May bakanteng kwarto naman dito kaya doon na kayo."
Napatango nalang ako kay kuya Zam at inalalayan na si Ezekiel na maglakad papasok sa guest room.
Pagkapasok ay agad kong pinahiga si Ezekiel sa higaan, tatayo na sana ako pero bumangon ito at niyakap ako ng mahigpit mula sa likuran at ang ulo niyay ipinatong sa aking balikat.
"Ezekiel.. ano ba ginagawa mo?" Pilit ko tinatanggal ang pagkakayakap niya saakin.
"Kezaay! Nagseselos na ako sa inyo ni kuya." Mahina niyang sabi habang nakayakap saakin ng mahigpit halata sa boses na lasing ito at amoy na amoy ko sa hininga niya ang alak. Natigilan ako.
"B-bakit naman? Kaibigan ko lang din namam si Messiah.."
Tumawa ng mahina si Ezekiel.
"Hindi ka nadin naasiwa sa kanya at lage na kayo ang magkasama.. pakiramdam ko inaagaw ka niya saakin." Humigpit pa lalo ang yakap niya saaking tiyan at ang mukha niya ay inilapit sa aking pisngi kaya mabilis kong inilayo ang mukha ko sakanya.
"Ezekiel ano.. m-matulog kana.."
Napalunok ako at tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap saakin pero mas lalo lang humigpit ito.
"Magtabi tayo sa pagtulog Kezay tabihan mo lang ako please.."
Napatango na lang ako. Kita ko ang pagngiti ni Ezekiel kahit nakapikit ito dahil sa kalasingan. Kumalas siya ng yakap saakin at humiga na.