"Sabi ko na sayo nay na huwag kana umasa jan. Malas talaga yan." Rinig kong sabi ni ate Amy na anak ni Nanay Belen. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gulay na ilalako sa barangay.
"Kung sana maganda kayo ng kapatid mong si Megan ede sana kayo nalang dinala ko!" Si tiya Belen. Bahagya akong natawa pero napapikit din sa sakit nang maramdaman ko ang tsinelas na tumama sa aking ulo.
"Tatawa-tawa ka?! Maganda ka nga pero pamilya ka naman ng may sayad. Gagaya ka din sa nanay mo!" Si ate Amy. Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim at gaya ng nakagawian isawalang bahala ko na lamang ang narinig at inayos na ang sarili para makaalis na.Tuwang-tuwa ako habang naglalakad pauwi, tanghali na at tirik na ang araw kaya nilagay ko sa ulo ang 'plangganang' wala nang lamang gulay. Naubos kaagad. Napapalingon ako sa mga estudyanteng kalalabas lang sa kanilang paaralan. Hindi ako nakapag-aral kahit day care man lang, di ako marunong magsulat o magbasa pero marunong akong magbilang hanggang isang daan lang.
Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong nagtatawanan habang nag-uusap ang mga magbarkadang babae na naka uniporme pa. Misan hinihiling ko na sana kagaya nila nag-aaral din ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi, kunot noo ako habang natatanaw ko ang isang maitim na kotse sa harap ng bahay namin.
Habang papalapit ay naririnig ko ang tawanan sa loob ng aming bahay.