Part 10

42 3 0
                                    


"Bakit naka lock ang pintuan mo?"
Nakagat ko ang aking labi sa kaba nang hinapit ni Sir Messiah ang aking bewang paharap sa kanya. Ang lapit lang ng mukha namin. Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina nang mag almusal kami. Napalunok ako habang nakatitig sa mukha niya.
"S-sir--"
"Stop calling me sir! Messiah nalang!" Sabi niya bago ako hinalikan sa labi. Gumanti din ako ng halik. Ang mga kamay niya ay kung saan'2 ulit umaabot kaya agad na akong bumitaw sa halikan namin at itinulak siya.
"S-sir ano... baka magalit si Ezekiel saakin.."
Kunot noo niya akong tiningnan kaya napayuko ako.
"May relasyon ba kayo ng kapatid ko?"
Napaangat ang aking mukha sa tanong niya.
"P-po? Wala po!" Umiling ako
He smirk at hinapit ulit ang aking bewang.
"Pero may gusto ka sa kanya?"
Napakurap-kurap ako at napatitig sa kanyang mukha. May pagkakahawig sila ni Ezekiel pero sa mata magkaiba. Si Ezekiel kasi medyo singkit habang si sir Messiah hindi pero kapag tumitig parang nanghihigop. May balbas din si sir Messiah at medyo matured na. Sa pagkakaalam ko 26 na siya!
Nag-iwas ako ng tingin.
"Wala.." I bit my lower lip.
Rinig ko ang paghalakhak niya.
Bumaba ang labi niya sa aking leeg ulit kaya napakapit ako sa kanyang balikat.
"Alam mo Keziah mapili yang kapatid ko.. hindi ka niya magugustuhan kaya kung ako sayo huwag mo na siya pagtuonan ng pansin, alisin mo na ang nararamdaman mo para sa kanya. Makinig ka sakin." Bulong niya sa tenga ko. Ang init ng hininga niya.
Nagpantay ang mukha namin at hinalikan niya ang labi ko, gayun din ako nang halos kapusin na kami ng hininga ay naghiwalay ang mga labi namin. Tinititigan niya ako ng maigi.
"Masarap hindi ba?"
Napatango ako habang nakatitig sa mapupula niyang labi, malapit pa din ang aming mukha sa isa't isa.
"May mas masarap pa dito Keziah gusto mo ba maranasan?"
Napalunok ako at hindi ko alam kung bakit ako tumango He smirk.
"Kung gayun huwag mo na ila-lock ang pintuan mo mamaya Keziah para makapasok ako"

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon