Part 35

27 3 0
                                    


Sumunod kaagad ako kay Messiah.
Naglalakad ako pababa ng hagdan at naririnig ko na ang ingay sa baba, rinig ko na ang boses ng kanilang ina, aminado ako na biglang sumibol ang takot sa aking puso. Bigla akong kinabahan pero bakit ako kakabahan? Sila ang may ginawang mali saakin at para kay Ezekiel itong gagawin ko. Hindi para sakin!
Papalapit ako sa kusina.
"Ang tagal naman ng opportunista na iyon? Nagpapaantay pa talaga?"
Rinig kong sabi ng kanilang ina. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng kusina, napahinto sila sa pag-uusap at lahat ng mata ay nasa akin.
"Pasensya at napaghintay ko kayo madame. Kausap ko pa kasi ang asawa ko." Sabi ko at umupo sa bakanteng upuan, kaharap ko ang kanilang ina at ang nasa magkabilang dulo ay ang ama nila at si Messiah.
Kita ko ang nanlilisik na mga mata ng kanilang ina. Si Messiah naman ay tiim-bagang na nakatitig saakin. Ang kanilang ama ay walang imik na nagsimula nang kumain.
Kung nakamamatay lang siguro ang mga titig nila ay kanina pa ako bumulagta dito.
"Napangasawa mo lang ang anak ko yumabang kana!" Ang ina nilang hanggang ngayon pala ay di pa rin nagbago.
"Mama!" Saway ni Messiah.
Sinulyapan ko siya. Nakatitig pa din siya sakin.
Kaagad na akong nagiwas ng tingin.
Napatingin ako sa kasambahay na naglalagay ng tubig sa mga baso nila.
Nagsimula na silang kumain habang ako ay naka isang subo palang dahil pakiramdam ko ay binabantayan nila na magkamali ako.
Lalagyan na sana ng kasambahay ng tubig ang baso ko pero pinigil ito ng ina nila.
"Hayaan mo siyang maglagay ng tubig sa baso niya! Trabaho niya yan dati!" Matigas nitong sabi.
"Belle.. nasa harapan tayo ng pagkain. Irespeto mo ang grasya." Mahinahong sabi ng ama nila.
"Iyon naman ang totoo papa." Si Messiah. Nagkampihan pa ang dalawang gago.
Huminga ako ng malalim at tumayo.
"Saan ka pupunta?" Si Messiah
"Tapos na ako. Nga pala, salamat sa pagkain. Nabusog ako sa panglalait ninyo."
Mabilis akong tumalikod at naglakad papalabas sa kusina.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon