Tinatanaw ko ang garden sa baba nasa terrace ako. Sa pagkakaalala ko jan naganap ang party noon. Huminga ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking pisngi na di ko namamalayang umaagos na pala kanina habang nagbabalik-tanaw ako sa nakaraan. Nagtagis ang aking ngipin. Hindi ko akalaing ganon pala ako ka-TANGA! Ganon pala nila ako ka-kinawawa noon. Lalong-lalo kana Messiah! Napailing ako! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko. pinagsamantalahan mo ang kainosentehan ko!
At ang kapal ng pagmumukha mong sumbatan ako kanina?!Niyakap ko ang sarili at hinaplos ang aking mga braso na malamig dahil sa hangin, alas sais na ng hapon.
Ngayon hinding-hindi ko na hahayaang gawin mo ulit saakin iyon!
Sa anim na taon ko na pamamalagi sa New York kasama si Ezekiel bilang mag-asawa ay di ko na na-imagine pa na makakabalik o makatuntong ulit sa lugar na ito dahil isinumpa ko na ang lugar at mga taong nanirahan dito bukod kay Ezekiel.
Sa araw din na iyon ay umalis kami ni Ezekiel dito sa Pinas. Tinulungan kami ng kanyang ama na makahanap ng lugar na pwedeng tirhan namin dalawa na walang nakakaalam. Pinag-aral ako ni Ezekiel ng tungkol sa business, naging personal tutor ko din siya. Hindi naging madali para saamin dalawa ang lahat dahil nagsimula kaming dalawa sa bago.. naghanap siya ng trabaho doon habang sinasabay ang pagnenegosyo nagtayo kasi kami ng maliit na coffee shop na sa awa ng diyos ay lumago. Kailangan niya kumayod dahil buntis ako. Di kami nanghingi ng pera sa magulang niya.
Lahat ng nangyayari saakin ay dahil itong lahat kay Ezekiel.
No words can express sa pasasalamat ko sa kanya.
Natigilan ako nang mag vibrate ang cellphone ko kaya agad'2 kong sinagot nang makita ang caller."How's your trip Kezay?" Humalakhak ito.
Napailing ako at tumawa din.
Alam niya kasing hate ko ang bumiyahe. Hindi ako sanay, lage akong nagsusuka at nahihilo.
"Kinakanchawan mo ako Ezekiel!"
Humalakhak siya.
"Mommy!!!"
Napangiti ako sa narinig.
"Tell mommy to take care."
