Buti nalamang at andon si Ezekiel. Tatlong araw lang kami doon at agad na kaming umuwi dito sa Condo niya.
"Wag ka mag-alala Kezay. Kinausap ko na si mama na huwag na gagawin ang ginawa niya sayo dati."
Tumango na lamang ako dahil puno din ang bibig ko sa tsokolate.
"Ang bango naman niyan Ezekiel!" Komento ko, nilingon niya ako sandali at tumawa.
"Hindi mo pa natitikman ito Kezay!" Humalakhak siya kaya natawa din ako.
"Sinigang na baboy lang naman yang niluluto mo!" Sabi ko at tumawa. Nagtatawanan kami nang walang imik na pumasok si Messiah. Napalingon kaming pareho sa kanya, may dala itong isang bouquet of red roses at human size na teddy bear at malalaking tsokolate! Malalaking tsokolate, kasing laki ng 36" na television namin dito.
Inurong niya ang may tsokolate sa harap ko kaya yung iba ay nahulog sa sahig. Nilagay niya sa harapan ko ang tsokolate at bulaklak. Napatingala ako sa kanya.
"Sorry Keziah.." aniyang nakatitig saakin.
"Bakit kuya?"
Napalingon ako kay Ezekiel na ngayon ay palipat-lipat ang mata saamin.
"Wala kang pakealam!" Matigas na boses ni Messiah kaya galit ko siyang nilingon.
"P-pasensya kana Keziah.. g-gusto mo bang bilhan kita ng sarili mong mall na puro tsokolate?"
Napakunot ang aking noo at sa sinabi niya.
"Messiah ano ba pinagsasabi mo?"
"Patawarin mo na ako Keziah.. hinding-hindi ko na uulitin ang ginawa ko sayo.."
I bit my lip at sandaling napapikit at tumango.
"Nag away kayo?"
Nilingon ko si Ezekiel. "W-wala naman Ezekiel--"
"LQ lang!" Matigas na sabi ni Messiah.
Hindi naman umimik si Ezekiel at tahimik nitong pinulot ang mga tsokolateng nalaglag sa sahig.