Part 48

43 3 0
                                    


"Mommy.. dito tayo mag celebrate ng birthday ko ah? Para kompleto tayo lage."
Ngumiti ako kay Noah at nilagay ang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Ezekiel.
Tatlong taon na simula nong nawala siya. 3rd anniversary na ngayon kaya nakapag plano kami na mag picnic dito.
"Para andito ang dalawang daddy ko." Dagdag pa ni Noah. Ginulo na lamang ni Messiah ang buhok ni Noah.
"Oo, dito tayo mag celebrate ng 10th birthday mo sa susunod na taon. Ayaw mo ba ng clowns o mga palaro?" Tanong ko pero umiling lang si Noah.
"Ayoko. Big na ako eh."
Natawa nalang ako.
Naku Ezekiel.. big na daw ang pamangkin mo!
Si Messiah naman ay inaayos ang mga pagkain carpet na pang picnic habang ako ay pinapagpag ang puntod ni Ezekiel.. time flies so fast Ezekiel.. tinupad ko ang sinabi mo saakin na mahalin ang kuya mo..
Hindi ko alam paano ka pasasalamatan sa mga tulong na binigay mo saakin. Ang coffee shop natin 30 branches na ang meron tayo.. lumago na ang pinaghirapan nating dalawa..
At ngayon 4 months na akong buntis sa pangalawa mong pamangkin at plano na namin magpakasal ni Messiah ulit sa susunod na buwan..
"Hey brother!" Si Messiah habang lumuhod din para magpantay kami, hinaplos niya ang puntod ni Ezekiel.
"Pumunta ka sa kasal namin ng mahal ko.." sabi ni Messiah. Napangiti ako.
"Salamat sa lahat bro.. namimiss ka nanamin.."
Huminga ako ng malalim. Sana Ezekiel masaya ka sa nakikita mo ngayon.
Narinig namin ang sasakyan kaya napalingon kami at napatayo. Malaki ang ngiti ni mama-- mama na ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya. May dala itong bulaklak at mahigpit na niyakap si Noah na sumalubong sa kanya.
"Naku! Ilabas ninyo ang pagkain inday para makapag celebrate na tayo!" Sigaw ni mama na kaagad sinunod ng mga katulong.
Sinalubong niya kami ng yakap at nagmano naman kami sa kanila ni papa. Nilagay nito ang bulaklak sa gilid ng puntod.
"Nagutom ako sa biyahe! Mga anak kumain na tayo!" Humalakhak ito kaya natatawa kaming umupo sa carpet.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon