"Buti naman at ayos na si Diwani doon, how's tita Mirelle kuya?""Ayos lang naman." Maikling sabi ni Sir Messiah, napasulyap ako sakanya at nakatingin pala siya saakin.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba habang inaayos ko ang mga pagkain sa harap nila. Kakain na kami ng hapunan at kanina palang paglabas ko ng kwarto ay nararamdaman ko na ang malagkit niyang mga mata.
Kumunot ang noo ni Ezekiel at tiningnan niya ako, siguro ay napapansin niyang tila nababalisa ako.
"Kezay umupo kana para makakain na tayo." Si Ezekiel.
"O-oo" natataranta kong sabi bago kinuha ang pitchel na may tubig sa ref. at inilagay sa harap. Tahimik akong umupo katabi ni Ezekiel.
"Pasensya kana Kezay! Di tuloy tayo nakapasyal ngayon, bukas nalang! Sasabay tayo pag-alis ni kuya." Sabi ni Ezekiel, napasulyap ako kay Sir Messiah na kunot ang noo na nakatitig saakin at palipat-lipat ang mga mata niya saamin ni Ezekiel.
"Dito nalang muna ako." Aniyang nagpatuloy sa pagkain.
Napalingon si Ezekiel kay sir Messiah at halata ang pagtataka sa mukha nito.
"May inaayos kasi ako sa negosyo at bakante naman ang isang kwarto mo dito hindi ba?" Sabi nitong nakatingin kay Ezekiel.
Halatang nagtataka ang mukha ni Ezekiel pero tumango pa rin ito at bumaling ang mga mata saakin.
"Nalinisan mo naman siguro yun Kezay?"
Tumango ako.
"Mabuti naman.. pero bukas ipapasyal pa rin kita total wala naman akong pasok."
Ngumiti ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay inaayos ko na ang mga platong huhugasan. Nang kukunin ko na ang plato ni Sir Messiah ay bahagya akong napakislot nang maramdaman ko ang kamay niya saaking bewang, napakagat labi ako.
"Ayos ka lang Kezay?" Si Ezekiel Napalunok akong napatingin sa kanya. Mabilis akong tumango at kinuha na ang mga platong huhugasan. Di ko alam kung ano ba ang gusto ni sir Messiah na mangyari pero ginugulo niya ang isipan at katawan ko.
Hindi ko inasahan na pwede palang halikan ang ibang bahagi ng katawan. Nakikita ko sa TV na sa labi lng.
