Part 21

34 2 0
                                    


Sa likod kami dumaan, walang tao doon. Mabilis niya akong pinasakay sa kanyang kotse.
"Messiah antayin kaya natin si Ezekiel"
Sinulyapan niya ako sandali at agad pinaandar ang kanyang sasakyan. Nakokonsensya ako. Paano nalang kung magalit si Ezekiel saakin?
"Teka lang--"
"Hayaan mo siya, may sarili na siyang utak."
Napaayos nalang ako ng upo. Hayaan nalang, mamaya pag-umuwi na si Ezekiel sa condo magpapaliwanag ako na nauna na kami.
Gabi na, siguro alas otso na ng gabi. Isinandal ko ang aking ulo at pumikit. Sobrang pagod ng aking buong katawan, naghapon kami sa paglilinis ng mansyon kanina.
"Gusto mo bang matulog?"
Tumango ako. Biglang bumaba ang sandalan ng sasakyan. Naramdaman kong iniangat ni Messiah ang aking ulo upang ilagay ang unan, sobrang komportable ng aking pakiramdam hanggang sa di ko na namalayang mahimbing na akong nakatulog.

Nagising ako nang maramdaman ko ang malambot na higaan sa aking likod.
"Messiah.."
Dahan'2 niyang inalalayan ang aking ulo sa higaan. Kinarga pala niya ako.
"Matulog kana Keziah.." hinaplos niya ang mukha ko. Napangiti ako at pumikit.
Naramdaman ko nalang ang labi niya sa aking noo.
"Goodnight.." aniya at kinumutan ako bago tumabi saakin at yumakap ng mahigpit.

Simula nong una kong masilayan si Messiah hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko pag nasa paligid siya. Minsan natatakot akong huminga at naaasiwa ako sa presensya niya.. masungit at tahimik kasalungat kay Ezekiel.
Galit ako sa kanya pero isang yakap niya lang di ko alam kung bakit nawawala ang galit ko.. ganon pala talaga pag mahal mo noh? Ngayon ko lang naranasan ito at hindi ko akalain na masarap pala sa pakiramdam ang magmahal..

Natulog ako sa gabing iyon na may ngiti sa labi.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon