Part 34

29 3 0
                                    


"Mommy take care!!" Sigaw ni Noah. Napangiti nalang ako.
"Huwag kang pasaway sa daddy mo baby."
"Yes my.. I miss you.."
"Miss you too baby.."
"Daddy miss you too!" Sigaw ni Ezekiel sa kabilang linya.
Napatawa ako.
"I miss you too pero huwag mo pababayaan ang sarili mo Ezekiel!"
"Yes ma'am"
Napapikit ako, parang may dumaan na kung ano sa aking puso at gusto kong maiyak.
"Noah.. alagaan mo si daddy mo jan okay?"
Hindi nakikinig si Noah sa sinasabi ko, ibinigay nito ang cellphone kay Ezekiel at rinig kong medyo lumayo ang boses nito na kumakanta.
"Hello? Don't worry about me Kezay! Malakas ata to!" Nakatawang sabi nito pero alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko.
Parang may bumabara sa lalamunan ko na kung ano nang maalala ang sitwasyon niya ngayon.
"Alam ko Ezekiel.."
Tumawa ito.
"Nagkita na kayo ng Kapatid ko?"
I rolled my eyes.
"Yes." Maikli kong sagot.
"Hayaan mo nalang siya Kezay.. kung hindi mo kayang mag stay jan, mag hotel ka nalang muna okay?"
Mahinahon niyang sabi.
"Okay Ezekiel basta don't mind me, kaya ko na ang sarili ko. Mas dapat mo pagtuonan ang sarili mo jan kasi wala ako!"
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Kung kaya ko lang sana Kezay.. ako nalang pumunta jan para di kana mahira--"
"Ezekiel! Tama na please! Andami mo nang sakripisyo saakin. Hayaan mong ako naman!"
Napahinto siya at di na umimik. Rinig kong papalapit ulit ang boses ni Noah kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto dahil lumalamig na.
"I love you my!!" Sigaw ni Noah. Napangiti ako.
"I love you too.."

Halos mapatalon ako sa gulat nang mapadako ang mata ko sa nakabukas kona na pintuan. Nakasandal si Messiah doon at walang emosyon na nakatitig saakin. Paano niya nabuksan itong kwarto ni Ezekiel!
"Kakain na." Malamig niyang sabi.
I rolled my eyes.
"Ezekiel? Bye muna okay? Mag ingat ka jan!"
Di ko na narinig pa ang sasabihin sana ni Ezekiel dahil pinatay ko na ang tawag.

Tumalikod na si Messiah at naglakad papalayo.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon