Part 36

28 3 0
                                    


Mabilis akong naligo at nagbihis. Sinuklay ko ang aking buhok. Nakaharap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. 'Huwag kang paaapi Kezay' yan ang lageng nag-eecho sa tenga ko, yan ang lageng pinapaalala ni Ezekiel saakin bago ako umalis kahapon.

Oo. Hindi na ako paaapi!

Mabilis akong nagtipa at nag search ng mga hotel na malapit lang. Mag aalas syete na at babiyahe nanaman ako para makalayo na ako sa bahay na ito at baka di sila makatiis at saktan ako ulit.
Kahit hilo ako sa biyahe ay kailangan ko na ulit makaalis dito! Di ko na kaya pang mag stay kahit isang oras lang.
Luckily naka-hanap ako ng hotel at nakapag reserve. Mabilis ko na inayos ang sarili at lumabas ng banyo. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag nang biglang bumukas ang pintuan.
Sinulyapan ko si Messiah na ngayon ay kunot noong lumapit saakin.
"Saan ka pupunta??!" Sigaw niya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. Iwinaksi ko ito at itinulak ko siya.
"Wala kang pakealam!!"
Mabilis kong kinuha ang traveling bag sa gilid niya pero inagaw niya ito sa kamay ko.
"Hindi ka aalis!! Dito ka lang!!" Sigaw niya at binuksan ang traveling bag ko at inilabas lahat ng damit ko doon sa sahig.
"T*ng*na mo Messiah! Gago!!"
Sa inis ko ay mabilis kong sinipa ang tuhod niya, napahawak siya doon kaya mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko sa kama. Akala mo huh!
Nasa shoulder bag ko ang mga importanteng documento at passport. Mabilis akong tumakbo papuntang pintuan pero napatili ako nang walang ano-ano'y kinarga na parang isang sakong bigas.
"Pakawalan mo'ko hayop ka!!" Sinusuntok at hinahampas ko ang kanyang likod sa bag na dala ko.
He smack my butt.
"Hindi!" Matigas niyang sabi bago ako inihulog sa kama, nakuha niya ang shoulder bag ko at mabilis na binuksan at nilaglag sa sahig ang mga laman nito, lahat pati passport at kung ano-anong mga mahahalagang papel.
Mabilis akong bumangon para sana kunin ang mga papel pero mabilis niya iyong nakuha. Nanlaki ang mga mata ko nang pinunit niya ang mga ito.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon