Bumaon ang mukha niya sa tiyan ko.
"Si mama.. at ikaw lang ang meron ako.." aniya sa mahinang boses. Tumingala ako. Siguro tama si Ezekiel, hayaan ko siya na magpaliwanag para mawala ang galit ko sa kanya at para sa ikatatahimik ng loob ko, for closure.
"Alam ko.. nagkamali ako at nagsisisi ako.. Sobrang nagsisisi ako Keziah" basag ang boses niya. Di ako umimik.
"Nong sinaktan ka ni mama sa party lumapit ako para ipagtanggol ka pero naunahan ako ni Ezekiel.. lage niya nalang ako nauunahan sa lahat ng bagay.."
Tumingala siya sakin, punong-puno na ng luha ang mukha niya pati damit ko pero di ko siya tiningnan.
"Sayo at kay mama lang ako nakaramdam ng pagmamahal Keziah.. kaya nung makita kong muntikan nang atakihin si mama nag-alala ako ng sobra." Lumunok ako ng laway, pinipigilan ko ang sarili ko na sumbatan siya. Parang biglang gumuhit sa puso ko ang sakit nang maalala ang gabing iyon kung paano niya ako halos kaladkarin para humingi ng tawad sa ina niya.
Bumalik ulit ang mukha niya sa tiyan ko.
"Ang sabi ko matatanggap din tayo ni mama.. kailangan lang siguro magpakumbaba tayong dalawa, sundin ang gusto niya at humingi ng tawad pero di ko akalaing mawawala ka sakin Keziah.."
Tumulo na ang luha ko sa sakit parang bumabalik lahat saakin.
"A-akala ko kasi mauunawaan mo ako.. kinabukasan non hinanap kita kay Ezekiel pero tinago ka niya saakin.. para akong mababaliw Keziah.. kung saan'2 kita hinanap.. nabalitaan ko nalang kay papa na kinasal na kayo.." humagulhol ito ng iyak. Pinahid ko ang luha kong walang tigil sa pag-agos.
"Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako! Pumunta akong New York Keziah pero itinago ka nila ng mabuti saakin. Gusto ko nalang magpakamatay.. hindi ko kayang mawala ka.. Patawarin mo ako Keziah.."
Nanginginig ang katawan niyang nakayakap saaking bewang. Pinahid ko ulit ang luha ko at bahagya siyang itinulak, sapat lang para humiwalay siya sa tiyan ko. Tumingala siya saakin. Pinahid ko ang mga luha niya.