"Hi mommy!"
Bati ng anak ko.
"Tita Kezay! Hi!"
Singit ni baby Kai.
Napangiti ako and I wave 'hi' at nagpatuloy sa pagkain.
"Oh si daddy naman ang mag 'hi'" tumatawang sabi ni Ezekiel kaya napangiti ako nang humarap na si Ezekiel sa monitor. Nag video call kami ngayon.
Pagdating ko dito sa hotel kagabi ay agad'2 akong natulog sa sobrang pagod. Buong hapon akong nandito lang sa loob ng room ko nagpapahinga. At least dito kahit papaano ay nakakaramdam ako ng peaceful mind at alam kong safe ako.
Napatitig ako kay Ezekiel, malaki ang ngiti niya.
Ibang-iba na si Ezekiel ngayon sa dati.. malalim at umitim ang paligid ng mata niya, malaki ang ipinayat niya dahil pili lang ang pagkain niya at nagke-kemo pa siya.
"Hi beautiful!"
Napangiti ako sa kanya pero alam kung di iyon umabot sa mata ko.
"How are you feeling now Kezay? Nakatulog kaba ng maayos?"
Tumango ako, I bit my lip. Di ako makapag salita habang minamasdan si Ezekiel.. we've been together for almost seven years pero kahit kailan hindi niya ako ginawan ng masama o pinilit sa mga bagay na ayaw ko kahit mag-asawa kami.
At sa seven years na iyon, walang nangyari saamin, he respect me so much.
At gagawin ko ang lahat ng ito maisalba lang siya.Huli na ng sabihin niya sakin ang sakit na ancer sa pancreas. Dahil sa treatment niya ay nalugi ang negosyo namin at pag di ako gumawa ng paraan wala na kaming panggastos para sa chemotherapy niya dalawang beses sa isang buwan. Ayaw niya din na tulungan ng pamilya niya, ang ama lang niya ang may alam sa sitwasyon niya ngayon.
"Tulala ka nanaman Kezay!" Si Ezekiel.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Tulala ka nanaman Kezay!" Sabi ni Noah at ngumisi itong humarap sa camera. Tumawa naman si Ezekiel.
"Mabuti at anjan si baby Kai?" Tanong ko at sumubo ulit ng kanin.
"Oo, pumasyal sila ni Martin dito. Nanganak na kasi si Diwani, babae daw!"
Tumango-tango ako.
"Congrats pala sa kanila. Itext ko mamaya. Kumain kana?"
Tumango siya at ipinakita ang platong wala nang laman.
