"Pasalamat siya at pinigilan mo ako non! Kung hindi patay na siguro iyon" si kuya Mike.
Tumawa naman sila Messiah, kuya Zam at Zephyrus.
"Pasalamat ka nalang na hindi gumanti ng suntok si Kajik at baka na ospital ka!" Si Zephyrus na humalakhak at ininom ang isang basong alak.
Nagtawanan silang lahat. Nasa kusina ako, nagluluto ng pagkain para sa kanila at dinig na dinig ko ang pag-uusap nila. Andito sila nagkasundo na mag inuman sa Condo ni Messiah.
Tatlong buwan na ako dito at sa tatlong buwan na iyon wala namang ibang ipinaramdam si Messiah saakin kundi espesyal ako sa kanya at tatlong buwan ko na hindi nakikita si Ezekiel.. aaminin kung hanggang ngayon ay nakokonsensya pa din ako pag naiisip ko ang ginawa ko kay Ezekiel.. galit pa kaya siya saakin?"Kumusta ka dito?" Tanong ni sir Zam. Di ko namalayang pumasok na pala siya dito sa kusina.
"A-ayos lang po.." sinulyapan ko si sir Zam na nakatitig pala saakin.
Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin.
"Ngayon ko lang nakitang masaya si Messiah.. simula bata pa kami trabaho na nasa isip niyan.."
Napatingin ako sa kanya.
"No wonder why he likes you or maybe loves you.. you are very beautiful and young."
Ngumiti ako ng hilaw dahil di ko naman naintindihan.
"Akala ko ba kayo ni Ezekiel?"
"P-po? Hindi po!"
Tumawa siya at umiling.
"Huwag mong iwan si Messiah..pagpasensyahan mo siya."
Tumango ako at ngumiti.
"Opo.. mahal ko po siya eh!"
Tumango siya at iniwan na ako doon na mag-isa.
Siguro ay nagtataka siya na kasama ko si Ezekiel dati pero si Messiah naman pala ang mahal ko.
Pero hindi ko pa narinig ang salitang mahal din niya ako, kahit ilang beses na kaming magtalik at medyo matagal na ako dito ay di ko pa narinig ang mga salitang mahal din kita.
Mahal din kaya ako ni Messiah? Pero ramdam ko naman na espesyal ako sa kanya pero sapat ba na basehan iyon? Sa mga napapanood ko sa telebisyon lage namang magkasama ang pagpaparamdam na mahal nila ang isang tao at ang pagsasabi nila na mahal nila ang isa't-isa..
