Part 44

26 2 0
                                    


Kanina ko pa tinatawagan si Ezekiel pero walang sumasagot.
Baka busy lang.
Ngumiti ako sa mga andoon sa meeting. Wala si Messiah doon. Pero hayaan na, tama lang ang desisyon ko.
Nag focus na ako sa pag discuss at sa huli ay natapos na din.
Ngumiti ang papa nila saakin nang magkasabay kami palabas.
"You did a great job" he tap my shoulder.
"Proud ako sa inyo ni Ezekiel, mabibigyan niyo ng mabuting kinabukasan ang apo ko." Huminga siya ng malalim at ngumiti, sa tuwing bumibisita siya roon ay lageng nasa tabi niya ang apo. Ngumiti ako sa kanya, nag vibrate ang cellphone ko at nakitang si Ezekiel ang caller.
"Excuse me po.." iminuwestra ko ang kamay ko sa cellphone. Tumango naman ito kaya sinagot ko kaagad.
"Hello Ezekiel?" Nakangiti kong sagot.
"H-hello.."
Kunot noo ako dahil iba ang boses.
"M-ma'am Kezay.. s-si sir sinugod sa ospital.." basaga ang boses nitong sabi. Nagkatinginan kami ng ama nila. Parang bigla akong nanlamig sa narinig.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon