Part 30

30 3 0
                                    


Umiling akong nakatitig sa kanyang mga mata.
"Hinding-hindi ako luluhod sa harapan ng mama mo!" Sabi ko at mabilis na tumalikod at tumakbo papalayo. Rinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan.
Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang aking luha habang tumatakbo ako papalayo.. papalayo sa lalaking inaakala ko na magtatanggol at magmamahal sa akin. Halos nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luha. Bakit Messiah? Paano mo nagawa ito saakin?
Paano mo nagawa ang mga bagay na ito saakin? Binigay ko sayo lahat... lahat-lahat.. lahat ng pagmamahal ko binuhos ko sayo... pinili kita... minahal kita pero bakit mo nagawa saakin Ito? Paano mo nagagawa ang mga bagay na ito? Paano mo nagawang saktan ako ng ganito?
Sana hindi nalang kita minahal Messiah!!
Napahagulhol ako ng iyak at napaupo sa malaking bato.
Ang bigat'2 ng puso ko.
Ang daming tanong sa isipan ko..
Kinapa ko ang cellphone sa aking bulsa nang magring ito. Kaagad kong sinagot.
"Hello Kezay?"
Hindi na ako nakasagot.. tanging hikbi lang.
"Nasaan ka?"
Humihikbi ako at nagpa lingon-lingon.
"El real street.." putol putol kong sabi. Kaagad niyang pinatay ang cellphone.
Tulala lang akong nakaupo. I HATE YOU MESSIAH!

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon