"Sigurado ka naba sa decision mo?"
Tiningnan ko si Ezekiel at tumango. Kaninang umaga ay na discharged kami sa ospital, doon muna ako pinagpahinga ni Ezekiel sa condo niya at ngayon ay plano ko na kausapin si Messiah, gusto ko magpaliwanag at sabihin sa kanya na buntis ako.
Rinig ko ang pagbuga ng hangin ni Ezekiel. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Tandaan mo Kezay.. andito lang ako lage para sayo.."
Napalunok ako at kusang umagos ang aking luha. Niyakap ko si Ezekiel ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan pero maraming-maraming salamat Ezekiel.."
Niyakap niya din ako. Nang magkahiwalay kami ng yakap ay pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi.
"Nong una palang kita makita na sinasaktan ka ng nanay-nanayan mo ay pakiramdam ko na dapat kitang tulungan.. na dapat kitang ipagtanggol at alagaan.."
Ngumiti siya. Naluluha akong Ngumiti. Sana Ezekiel ikaw nalang ang minahal ko ng sobra'2! Sana sayo nalang nahulog ang loob ko ng ganito!
Kinuha niya ang keypad na cellphone sa kanyang gilid at nagsulat siya ng address at inilagay ang mga ito sa aking bulsa. Kumuha din siya ng pera at isinuksok iyon sa pinakamaliit na bulsa ng suot kong skinny jeans.
"Kung anuman ang mangyari tawagan mo kaagad ako at dadating ako."
Huminto siya sa pagsasalita at tinititigan ako ng mabuti.
"Ang cellphone na dala mo iisa lang ang numerong anjan. Sa cellphone ko lang kaya madali mo mahanap."
Tumango ako.
"Kezay.. kahit anong mangyari.. pag hindi maganda ang mangyari ako ang tawagan mo at ipinapangako ko na dadating ako para sayo."6pm na ng gabi, pumasok ako sa loob ng Condo ni Messiah. Ang mga pagkain sa lamesa na hinanda ko nong isang araw ay andon pa din. Isa lang ibig sabihin nitl, hindi siya umuwi.
Huminga ako ng malalim. Iniinda ko pa rin ang sugat sa aking braso na gawa ng ina nila.
Nilinisan ko na lamang ang nagkalat na dugo sa sahig dahil nong dinugo ako. Kinuha ko din ang nangangamoy na na mga ulam sa lamesa at hinugasan ang mga kubyertos.
