Part 4

47 3 0
                                    

"Oo sir, wag kayo mag-alala uuwi na iyon-- andito na pala!"
Napaatras ako nong hinila ako ni Nanay Belen paharap sa isang mestisong lalaki.
"Andito na sir! Hindi po ba magandang bata naman? 16 palang kasi at may lahi kasi itong Moroccan kaya tisay!" Sabi ni Nanay Belen sa lalaki.
"Oo nga maganda, dadalhin ko na siya ngayon ayos lang ba?" Sabi ng lalaki. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.
"N-nay--"
"Aba'y oo naman!" Si nanay at mahigpit akong hinawakan.
"H-ho? Nay ayoko po!" Gulat kong sabi at tiningnan si nanay Belen. Tumawa ito ng plastic at sandaling nagpaalam sa lalaki para daw kausapin ako.
Dali-dali niya akong dinala sa maliit niyang silid at sinapak.
Napahawak ako sa aking ulo.
"Wag mo akong ipahiya baliw ka kung ayaw mong masaktan sakin! Sumunod ka nalang!"
"Pero nay.."
"Tumigil ka! Sasama ka sakanya! Malaki ang ibinigay niya kaya wag kana umangal! Mag ayos ka pati gamit mo ayusin mo na para makaalis na kayo! Pag ayaw mo makinig saakin lumayas kana!"
Aniyat iniwan ako mag-isa sa loob.
Napahikbi akong tumayo.
Ginagawa ko naman ang lahat.. lahat ng pananakit sa katawan at mga salita tinanggap ko..

Napaatras ako pagkabukas ng pinto ay bumungad ang lalaking mestiso.
"Teka.. wag ka matakot.. ako si Ezekiel" mahinahon niyang sabi, maamo ang kanyang mukha, maihahambing sa mga modeling nakikita ko sa TV.
"Wag ka matakot saakin, nakita kita kahapon" mahinahong sabi nito. Pinahid ko ang aking luha at tinititigan ko siya ng husto.
"Hindi kita sasaktan, naawa ako sayo kaya balak kong bigyan ka ng trabaho sa maynila." sabi pa nito.
Natigilan ako sa sinabi niya, matagal ko na gustong pumuntang Maynila! Nakikita ko kasi ito sa telebesyon at namamangha ako sa mga nagtataasang building at sa madaming mga ilaw sa paligid.
"Huwag ka mag alala Kezay.. pinapangako ko na hindi kita sasaktan, andito lang ako para matulungan ka dahil nababalitaan ko na hindi maganda ang trato sayo ng mga taong naninirahan dito pero wala akong balak na gawan ka ng masama."

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon