Pinahid ko ulit ang luha niya dahil kagaya ko ay patuloy din sa pag agos ang kanyang luha habang nakatitig saakin.
"Mahal kita Kezay.. una palang kitang nakita.. mahal na kita.."
Tumango ako habang humihikbi at hinaplos ang kanyang mukha.
"Alam ko.." sabi ko
"lahat gagawin ko para mapasaya ka lang.. at pakiramdam ko.. iyan ang misyon ko sa mundo.. ang mahalin, pasayahin at pagtagpuin kayo ni kuya.."
Umiling ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ezekiel.. lumaban ka kasi hindi ko kaya na wala ka!! Hindi ko kaya Ezekiel!" Humagulhol ako. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Hindi ko kaya Ezekiel!!"
"Kezay.. kakayanin mo kasi.. di ako matatahimik pag hindi mo kinaya"
Napahagulhol ako ng iyak narinig ko ang hiyaw ng kanyang ina sa labas.
"Mahal kita Ezekiel kaya lumaban ka. Tandaan mo Ezekiel na hindi ko kaya na wala ka.. di ko alam kung ano ang gagawin ko pag nawala ka saakin.."
Mahina kong sambit bago kumalas dahil narinig kona ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng kanyang magulang.
"Ezekiel!! Anak!!"
Umiiyak ang kanyang ina na lumapit. Mabilis akong lumabas, napahawak ako sa aking puso habang umiiyak. Lumaban ka Ezekiel.. hindi ko alam kung anong gagawin ko pag mawala ka.. ikaw nalang ang nagpaparamdam saakin na mahalaga ako.. jusko.. maawa ka.. huwag mong kunin saakin si Ezekiel..
"Mommy.."
Napatingin ako kay Noah na umiiyak na nakatingala saakin. Magkahawak kamay sila ni Messiah. Si Messiah naman ay halata sa mata ang pagiyak nito.
"S-si daddy Ezekiel.." umiiyak na sabi ng anak ko kaya mabilis ko siyang niyakap.
"Shh.. he will be alright.."
Nakayakap ako sa anak ko nang mabigla kami sa malakas na hiyaw sa loob ng kwarto at mga doctor at nurse na tumatakbo. Na estatwa ako habang nakita ko ang mga ito na pumasok sa loob ng kwarto. Mabilis akong tumakbo papasok ganon din si Messiah.
Napahagulhol ako nang marinig ang sinabi ng doctor.
"Time of death, 7:38pm"
"Ezekiel!!" Sigaw ng ina niya habang napaupo itong umiiyak.
"Anak gumising ka anak!!"