"Pinapatawad na kita Messiah.."
Kumurap-kurap siya at mabilis na tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat Keziah.. mahal na mahal kita.. bumalik kana saakin.."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang sumaya ako sa narinig ko sa kanya.
Mabilis ko siyang naitulak at umiling ako.
"Messiah.. pinakinggan ko ang paliwanag mo pero hindi ibig sabihin na magbalikan tayo. May asawa na ako."
Tumitig siya sakin.
"Pero mahal mo pa ba ako Keziah?"
Natigilan ako sa tanong niya. Mahal ko pa ba siya?
Mahal ko si Ezekiel.. bilang isang kapatid! Oo. Iyan ang namuong pagmamahal ko para kay Ezekiel. Kahit ilang beses kong sinubukan na mahalin siya na kagaya kay Messiah ay hindi ko alam kung bakit di ko magawa iyon.
"Alam ko Keziah! Mahal mo pa ako!" Lumapit siya sakin at hinapit ang aking bewang. Napailing ako.
"Nakokonsensya ka lang pero alam kong mahal mo pa ako! Nararamdaman ko iyon Keziah!"
"Tama na Messiah! Umalis kana dito! Ayokong magkasala sa asawa ko! Umalis kana please.."
Tinulak ko siya at tumalikod. Naguguluhan ulit ako pero ayokong saktan ang loob ni Ezekiel. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Ezekiel!
"Tama nang nagkaliwanagan tayo Messiah. Tama na iyon. Kalimutan na natin ang lahat at magsimula bilang magkaibigan. Mahal ko si Ezekiel at hinding-hindi ko siya iiwan o ipagpapalit sayo."