"Ayaw kong magtanim ka ng galit Kezay. I want you to have a peaceful life kaya gusto kong mawala ang galit mo kay Kuya.. kung gusto niyang magpaliwanag sayo, hear him"
Tumango lang ako.
"Oo Ezekiel pero please do me a favor.. alagaan mo ang sarili mo para pagbalik ko jan magagawa na nating yung mga nagagawa natin dati kasama si Noah.."
He smile at tumango. Nag usap kami sa mga nangyari sa kanila at nagpaalam na siyang magpahinga so we ended our call.Lumabas ako sa terrace ng room ko, nasa fourth floor ako ng hotel. Iniinom ko ang mainit na gatas, gabi na, alas otso na ng gabi at sa susunod na araw ang last na meeting namin, babalik na ako sa New York kinabukasan niyan. Wala na akong planong manirahan pa dito sa Pinas, bakasyon nalang.
Tanaw na tanaw ko ang malawak na kalsada na puno ng iba't-ibang ilaw dahil sa traffic. How funny, dati pangarap ko lang ito noong andon ako kay Nanay Belen, akala ko hindi na ako makakalaya doon at habang buhay na magtitinda ng gulay sa kalsada pero dahil kay Ezekiel nailayo ako doon at napunta dito. Naging sawi sa pagibig pero dahil kay Ezekiel nakabangon ako ulit. Tinanaw ko ang langit na madilim, ang bata kong puso noon na nangangarap lang. Sabi ni Nanay Belen na si mama ko pumanaw nong 2 years old ako. Magkaibigan sila ni mama. At si papa ko naman isang Moroccan pero namatay din buntis palang si mama, at hindi nito alam na buntis si mama.
"Keziah"
Natigilan ako pero alam ko naman talaga na mangyayari ito, humarap ako sa kanya. Walang emosyon.
Kita ko ang panlulumo sa mata niya habang nakatitig saakin. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Keziah.." lumunok siya ng laway.
"Paano ka nakapasok dito Messiah?" I ask.
"Si Ezekiel.. tinawagan niya ako.."
Nagkasalubong ang mga mata namin. Kita ko ang pagtulo ng luha niya, ang laking tao pero umiiyak. Unti-unti itong bumaba hawak pa niya ang mga kamay ko. Nagiwas ako ng tingin nang lumuhod siya sa harapan ko. Ramdam ko ang pagyakap niya sa bewang ko.
