Part 20

31 3 0
                                    


Nakayakap ang isang braso niya saakin na tila pinoprotektahan niya ko.
"Sabi ko naman sayo mama na huwag mo siyang sasaktan o kahit sinong katulong dito pero nanakit ka pa din--"
Pinutol ni Messiah ang sasabihin sana ni Ezekiel.
"Wala ka nabang galang sa ina natin Ezekiel!"
Nagtagis ang ngipin ni Ezekiel. Hinawakan niya ko sa kamay at tumalikod.
"Halika na Kezay. Uuwi na tayo."
Nagpatianod ako kay Ezekiel.

Sobrang bigat ng nararamdaman ng puso ko sa gabing iyon habang nakahiga sa kama ni Ezekiel dito sa loob ng mansion. Uuwi na sana kami ngunit pinigilan kami ng ama ni Ezekiel kaya hindi natuloy. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Hindi ko makalimutan ang ginawang pakikipag landian ni Messiah at nong babae! Pagkatapos ng mangyari saamin ay parang benalewala na niya ako.
Nagpatuloy ang celebrasyon nila sa labas. Sinabihan ako ni Ezekiel na huwag na muna lumabas at bukas ay maaga kaming aalis.
Napalingon  ako pagbukas ng pinto. Akala ko si Ezekiel ngunit si Messiah pala. Hindi ito ngumingiti pero nagtuloy-tuloy sa pagpasok.
"Halika na! Aalis tayo dito!"
Nalilito ko siyang tiningnan, kinuha niya ang mga damit ko sa gilid.
"T-teka Messiah! Si Eze--"
"Hayaan mo siya! Susunod daw siya! Umalis na tayo dito!" Matigas niyang sabi. Napatango nalang ako at dali'2 na tumayo.
Siya naman ay dala'2 ang mga gamit ko. Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan niya ang aking balikat at tila ineexamin ang katawan ko.
"Masakit pa ba?" Tanong niya, kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Umiling ako. Huminga siya ng malalim.
"Pasensya kana kay mama Keziah.."
Tumitig ako sa kanya at nagiwas ng tingin.
"Ayos lang." Maikli kong sabi, hinila niya ako at mahigpit niya akong niyakap. Ang bilis ng tibok ng aking puso, gumati din ako ng yakap sa kanya. Kaagad nawala ang pagtatampo at galit ko sa kanya kanina. Tila nakalimutan kong may babae siyang kausap kanina.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon