Halos tumatakbo na ako papasok sa ospital, ang ama at ina nila ay susunod palang dahil ipapaliwanag pa ng ama nila ito. Mabilis akong nagtanong sa information at ibinigay naman nila ang impormasyon kung saan si Ezekiel.
Jusko! Huwag niyo pong hayaan na may mangyari kay Ezekiel!
Nasa hallway na ako nang matanaw ko si Messiah na nakaupo at kandong si Noah. Tulala ito, napadako ang mga mata niya saakin pati ang anak ko pero di ko sila pinansin at nilagpasan sila tuloy'2 lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng kwarto ni Ezekiel at nakita ko ang maraming mga kung anong nakasabit sa kanya.
Napaluha ako sa nakita at mabilis na lumapit.
"Ezekiel.." hinaplos ko ang ulo niya, nagmulat siya ng mata.
"Kezay.." mahina niyang sambit at ngumiti pero kita ko na parang nasasaktan siya.
Napahagulhol ako ng iyak habang hinawakan ko ang kamay niya.
"Ezekiel.. lumaban ka huh? Diba sabi mo ipapasyal mo ako sa Switzerland pag na close ko ang deal?"
Ngumiti siya saakin, tumaas ang kamay niya sa mukha ko at pinahid ang luha ko kaya mas lalo akong umiyak.
"Ayokong nakikita kang umiiyak.. ngumiti kana Kezay.. please.."
Ngumiti ako pero tuloy'2 ang luha ko.
Kita ko ulit na nag iba ang ekspresyon niya kaya natataranta akong tumayo para tumawag ng nurse pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Kezay.. dito ka lang.."
"Pero Ezekiel kailangan ko tuma--"
"Huwag na Kezay.. halika.. lumapit ka sakin.." mahina ang boses niyang sabi kaya lumapit ako kahit ang bigat'2 na ng dibdib ko at Di ko mapigil na hindi umiyak sa sitwasyon niya ngayon.
"Kezay.. huwag mong pigilan ang puso mo.. mahalin mo si Kuya dahil alam kong hindi ka tumigil sa pagmamahal sa kanya.." mahina niyang sabi.
"Ezekiel.. ano ba sinasabi mo.."
Humihikbi ako.
"Mahal kita Kezay.. una palang kitang nakita.. mahal na kita.. lahat gagawin ko para mapasaya ka lang.. at pakiramdam ko.. iyan ang misyon ko sa mundo.. ang mahalin, pasayahin at pagtagpuin kayo ni kuya.."
Umiling ako at niyakap ko siya ng mahigpit.