Part 17

33 3 0
                                    


Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at nagpatuloy na sa pagmamop. Kanina pa kaming umaga naglilinis. Alas singko magsisimula ang party ngayong araw at alas dos na ngayon. Busy ang lahat sa pagluluto at paglilinis sa buong paligid.
"Punyeta!! Kanina pa kayo naglilinis pero wala akong nakitang linis!!" Tumaginting ang boses ni Madame Belle na ina nila Ezekiel at Messiah.
Napalunok akong nakayuko habang nagmamop.
Rinig ko ang mga yapak nito papalapit saakin, ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko ang mataas niyang takong sa aking harap. Nanginginig ako nang iniangat niya ang aking mukha aa kanya at magtama ang aming mata. Tumaas ang kanyang kilay saakin.
"Ikaw nanaman pala.." aniyang seryoso ang mukha.
Napahinga ako ng malalim nang binitawan niya ang aking baba.
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat.. ang malandi!" Sabi niya bago tumalikod saakin. Sinundan ko nalamang siya ng tanaw papalayo saakin.

Nasa second floor ako ng mansion, alas kwatro y medya na at pinapabihis na kami ng uniporme. Nasa second floor ang kwarto ni Ezekiel at andon ang mga gamit ko. Balak ko ay maligo muna kaya kukunin ko ang mga gamit ko sa kwarto ni Ezekiel. Pagdating kasi namin kahapon ay hindi pumayag si Ezekiel na doon ako matulog sa kwarto ng mga kasambahay at di ko siya napigilan.
Papasok na sana ako ngunit nagulat ako sa malakas na paghila saakin papasok sa katabing kwarto.
"Messiah!" Sa gulat ko ay naitulak ko siya ngunit humigpit ang yakap niya saakin.
"Namimiss na kita, humingi na ako ng tawad sayo pero di mo parin ako pinapansin!" Aniya at idinikit ang katawan saakin. Grabe. Nakasuot siya ng suit na itim at napaka gwapo at napaka linis niyang tingnan kaya naaasiwa ako dahil amoy pawis pa ako.
"Messiah! Ano ba amoy pawis pa ako." Saway ko sa kanya nang inaamoy niya leeg ko.
"No.. you smells like a baby.." sininghot niya ako. Ewan ko pero naginit ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim.
"Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin saakin ngayon Messiah!"
Napahinto siya.

Bleeding loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon