Natataranta akong dali'2 nagbihis. Buti nalang at may napkin ang isang kasambahay dito at binigyan niya ko. Bumalik ako sa trabaho na parang lumulutang. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin. Ganito ba epekto non?
Inilabas ko na ang isang putaheng ulam, rinig ko ang tawanan at masasayang mga nag-uusap aa lenggwaheng Englis! Sa di kalayuan ay nakita kong nagtatawanan sila Messiah at ang mga lalaking kasamahan nito na kagaya niyay nakasuot ng itim na suit. Asan kaya si Ezekiel?
Hindi ako nakita ni Messiah pero nakita ko ang paglapit ng isang sobrang magandang babae, mahaba ang buhok nito, sobrang puti, payat at matangkad, mapula ang mga labi at mabait ang mukha, may suot na sekseng damit. Kita kong umupo ito katabi ni Messiah at nag usap sila, tumawa ang babae at hinapit ni Messiah ang bewang nito. Napalunok ako sa nakita at di ko namalayang may maliit na batong nakaharang.
Napapikit ako sa sakit ng aking pwet at ang ulam ay halos iligo ko na. Rinig ko ang pagsinghap ng marami at lahat ng mata ay nasa akin, agaw eksena.
"Oh my ghad!" Rinig kong tili ni madame Belle.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang stainless na lalagayan ng ulam nang mapa-aray sa mga kamay na humila sa aking buhok.
"Tatanga-tanga ka! Punyeta sinira mo yung birthday ng asawa ko!"
Tuloy-tuloy sa paghila si madame Belle sa aking buhok.
"Tama na mama!"
Rinig kong sigaw ni Ezekiel bago ako hinila papalayo sa kanyang ina. Humuhikbi kong pinahid ang aking luha habang nasa likuran ni Ezekiel. Sa sobrang takot at hiya ko ay di ko ay mabilis kong niyakap si Ezekiel. Humihikbi ako habang umiiyak. Hindi ko kayang makita ang mga taong nakatingin saamin.
"Sinasaktan mo nanaman si Kezay!"
Bahagyang tumaas ang boses ni Ezekiel.
"Huwag mong sigawan si mama Ezekiel!" Galit at mababang boses ni Messiah.
Napalunok ako at napatingin sa kanya. Nagkasalubong ang aming mata at kita ko ang paggalaw ng kanyang pangang nakatitig saakin.
Hindi umimik si Ezekiel.