"Ako na! Huwag kang lumabas dito!" Matigas niyang sabi bago lumabas pero hindi ako nagpapigil. Dali'2 akong sumilip sa pintuan. Nakita ko ang pagbukas ni Messiah sa pintuan at sinalubong siya ng isang suntok ni Ezekiel, natumba si Messiah sa sahig sinuntok ulit siya ni Ezekiel. Napatili ako sa nasaksihan kaya agad akong tumakbo."Tama na Ezekiel.." napaluha ako at niyakap si Ezekiel para pigilan siya sa pagsuntok kay Messiah.
"Kezay!" Mabilis niya akong hinawakan sa braso at nilagay sa kanyang likuran. Bumangon si Messiah. Nakatitig siya kay Ezekiel at ngumisi.
"Walanghiya ka kuya! Pati ba naman ang ka inosentehan ni Kezay kukunin mo?!!" Galit na sigaw ni Ezekiel pero tumawa lang si Messiah.
"Wow. Playing super hero lil kid!" Tumawa ito pero huminto din sa pagtawa at seryosong tiningnan si Ezekiel.
"Mahal niya ako Ezekiel, anong magagawa mo?"
Kita ang galit sa mata ni Ezekiel na nakatitig kay Messiah.
"Keziah.. halika na"
Nilingon ako ni Ezekiel mula sa likuran. Ang bilis'2 ng tibok ng puso ko habang nakatitig kay Ezekiel pero biglang hinila ni Messiah ang braso ko dahilan para mapunta ako sa gitna nila dahil di rin ako binibitawan ni Ezekiel.
"Pumili ka samin Keziah!" Napalunok ako. Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko sa kanila pero napalingon ako kay Ezekiel nang binitawan niya ang kamay ko.
Nakatitig siya saakin na namumula ang mga mata at yumuko.
"Ayos lang Kezay.. wag kana maguluhan.." mahina niyang sambit at tumalikod na at lumabas.
Sunod-sunod sa pagpatak ang aking mga luha. Natulala ako. Hindi ma digest sa aking isipan ang nangyari. Tatakbo na sana ako pero niyakap ako ni Messiah ng mahigpit.
"Saan ka pupunta Keziah? Dito ka lang.."
Napahikbi ako.
"Si Ezekiel, Messiah.." humihikbi akong umiiyak habang mas lalong humigpit ang kanyang yakap.Napangiti ako habang diniin ang bulak sa kanyang bibig. Kita ko ang pag ngiwi niya habang nakatitig saakin,siguro mawawala din itong nararamdaman ko. sigurado ako na magiging masaya ako dito.