Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang gulat na mukha ni Ezekiel at Messiah.
Kaagad tumakbo si Messiah sa kanyang ina na ngayon ay tila nahihirapan sa paghinga.
"Walanghiya ka!! Gusto mo akong patayin!!" Sigaw ng mama ni Messiah.
Kaagad naman akong inalalayan ni Ezekiel na makatayo.
"Anong ginawa mo?!!!" Pasigaw na sabi ni Messiah bago binuhat ang kanyang ina at lumabas.
Napatulala ako at parang nakaramdam ako ng hilo.
"Kezay! Dinudugo ka!"
Napayuko ako at kita ko ang dugong dumadaloy sa aking binti. Parang nakarinig ako ng kampana sa aking tenga at nawalan ako ng malay.Napamulat ako, sumasakit ang ulo ko.
"Kezay.."
Napalingon ako kay Ezekiel na nasa aking gilid. Hawak niya ang aking kamay. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Ospital ba ito Ezekiel?"
Tanong ko. Unang beses kong makapasok ng ospital.
"Oo kezay.."
Napatingin ako sa dextros na nakakabit sa aking kamay.
Napalingon kaming pareho ni Ezekiel nang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang doctor.
Tiningnan ako ng doctor.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor.
"Ayos naman po..."
Tumango ang doctor. Nakahawak pa din si Ezekiel sa aking palad.
"Buti nalang at na save namin ang baby ninyo dahil mabilis kang nadala dito."
Napakunot ang aking noo sa narinig. Buntis ako?
Sinulyapan ng doctor si Ezekiel at napatingin ito sa mga kamay namin na magkasikop.
"Mr.. binugbog mo ba ang asawa mo?"
Nilingon ko si Ezekiel na natigilan sa tanong ng doctor. Ako naman ay di mag sink in sa utak ko ang nangyayari. Buntis ako!
"Huwag mong saktan si misis ah? Maselan ang kanyang pagbubuntis ngayon. Ilang taon na ba kayo? Mukhang masyado pa kayong bata.." umiling ang doctor at may iniabot na reseta para daw pampakapit, vitamins at exercise na gagawin.
Walang imik naman Itong tinanggap ni Ezekiel.
Parehas kaming tulala kahit nakalabas na ang doctor ay walang nag-imikan sa aming dalawa.
