Nagising ako sa bango ng pagkain. Mabilis akong bumangon at nakita ko si Messiah na inaayos ang pagkain sa gilid ko. Inilibot ko ang mga mata sa paligid.
Teka! Hindi ko ito silid!
"Messiah asan tayo?" Tinitigan ko siya habang nag aayos, inilapit niya sa higaan ko ang pagkain at inalalayan akong makalapit doon.
"Sa condo ko. Dito kana tumira saakin."
"H-huh? Pero si Ezekiel!" Hala! Di man lang ako nagpaalam kay Ezekiel o humingi ng permisso na dito ako kay Messiah titira pero kaya ko bang iwanan si Ezekiel?
Hinawakan ni Messiah ang kamay ko kaya napatitig ako sa kanya.
"Mahal mo 'ko diba?"
I bit my lip at tumango.
"Then good. Kung mahal mo ako dito ka saakin."
"Pero baka di ako payagan ni Ezekiel!"
Inis niya akong tiningnan.
"Wala siyang karapatan sayo pero ako may karapatan ako sayo Keziah dahil mahal mo ako!"
Nalilito ko siyang tiningnan. Ganoon ba pagmahal mo yung tao?
"G-ganoon ba iyon Messiah?"
Naguguluhan ako pero baka sumama ang loob ni Ezekiel saakin..
"Oo! Ganoon iyon Keziah! Ayaw mo naman siguro na magalit ako sayo?"
Napakurap-kurap ako at umiling. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Then good. Huwag mo na babanggitin ang pangalan ni Ezekiel para di ako magalit sayo"
Tumango na lamang ako at kumain kaming dalawa. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako kaya di ko mapigilan ang mapangiti at kiligin sa ginagawa niya pero natigilan kami sa malakas na katok sa labas.
"Lumabas ka kuya!!! Ilabas mo si Kezay!!"
Nagkatinginan kami ni Messiah, mabilis akong tumayo pero pinigilan niya ako.