"Nalulungkot ka ba?"
Napalingon ako kay Ezekiel at napangiti. Isang buwan at kalahati na ako sa poder niya at wala akong ibang masabi kundi 'pasasalamat'.
Sobrang bait ni Ezekiel, mahinahon, mabait, natural na malambing at mapagbigay.
Nilabas niya ang supot na dala niya, naka school uniform pa ito. Kami lang dalawa sa kanyang Condominium, may tatlong kwarto ito, isa sa kanya, isa saakin at ang isa ay para sa bibisita.
Hindi ganon ka laki ang kanyang Condo, sapat na para saamin.
Graduating na ng college si Ezekiel, dinala niya ako dito sa Maynila upang maging kasambahay.
Kada uwi niya galing eskwelahan ay may dala siyang pagkain para saakin.
Tuwang-tuwa ako habang nilalabas ang 'Tobleron' at iba't-ibang klase ng tsokolate. Naging paborito ko na ang mga ito nong natikman ko ito isang beses.
"Galing yan kay kuya Messiah. Umuwi na kasi siya galing sa business trip."
Napatango ako. Si Messiah na dalawang beses ko pa lamang nakita at natatakot pa ako dahil tahimik lang ito at masungit.
"Gusto mo bang lumabas tayo sa susunod na araw Kezay?" Tanong ni Ezekiel. Lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Simula nong dumating ako dito ay isang beses niya palang ako napasyal.
"Sige Ezekiel! Punta tayo ng mall!"
Hindi na ako naiilang kay Ezekiel, naging malapit na kami sa isa't-isa at ang gaan'2 ng pakiramdam ko sa kanya.
"Sige! Kahit saan mo gustong pumunta pupuntahan natin total matatapos na ang exam ko bukas. Bibilhan kita ng mga bagong damit."
Tumango ako at masayang naghain ng hapunan namin sa gabing iyon dahil na-eexcite ako na makakapasyal ulit sa susunod na araw.
Hindi na tulad ng dati na araw-araw nakakatikim ako ng pananakit at panlalait, sa kamay ni Ezekiel ay pakiramdam ko safe ako dito.
