Chapter 35: Wife's Benefits ~
"Xenia, pasensya na talaga, ha? Nawala kasi sa loob ko na pupunta din pala si Micah kahapon. Sasabihan sana kita bago kayo pumunta dito, kaso namatay naman ang phone mo. Pasensya na talaga, anak", sincere na sabi ng biyenan ko mula sa phone.
"Okay lang po 'yon, Mama. Pasensya na rin ho kayo at kinailangan na naming magmadali kahapon. Hayaan niyo sa susunod po, ipapahatid ko na lang jan si Allison kapag gusto niyo siyang makita", sagot ko naman kay Mama.
Aaminin ko, sobrang na-shock talaga ako kahapon nang makita ko si Micah. Alam mo iyong gusto mo siyang mayakap, mahalikan at makausap, pero hindi pwede? Nakakapanghinayang dahil sayang ang pagkakataon. Pero may magagawa ba ako kung ayaw na akong makita at makausap ni Micah? Move on na nga ako, 'di ba? I moved forward! I swear!
Pagkatapos naming mag-usap ni Mama, bumalik na ako sa trabaho ko, tapos na rin kasi ang break time ko. Nasa may counter ako at ako ang taga-scan ng mga items na binibili ng mga customer namin. Nakatalikod ako kasi nag-aayos ako ng mga items, nang may pumindot ng bell sa counter ko. Agad akong pumihit paharap sa may counter, kasi may magbabayad na customer. Bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Ano ba ito? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Bakit nasa harapan ko na naman si Micah?
Nagulat din si Micah nang makita ako. Nakatitig lang siya sa akin habang inilalapag niya sa ibabaw ng counter ang mga items na binili niya. At ako na mukha rin namang tanga, nakatitig lang din sa kanya habang kinukuha isa-isa ang mga items at ini-scan ito. Para akong tanga na hindi makapagsalita dahil sa kanya. Ipinakita ko na lang sa kanya ang presyo ng mga items na na-cost niya at iniabot niya ang pera niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang umurong ang dila ko. Nagmumukha akong tanga sa harapan niya. Inabot ko na sa kanya iyong sukli niya, pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Ano pa bang hinihintay niya?
Tinitigan ko siya ng look na 'what-are-you-waiting-for?'. He raised his other eyebrow and lend his hand over me. Bigla akong napatingin sa hawak-hawak ko na paper bag at napabalikwas ako nang malaman ko na hawak-hawak ko pa rin pala ang paper bag niya. Inilapag ko lang iyon sa counter at nagmamadali akong umalis at agad na sinabihan ang workmate na siya na muna ang pumalit sa akin sa counter. Grabe, nakakahiya ako! Nahalata niya kaya iyong hitsura ko?
Nagtago ako mula sa malayo, pero sinusulyapan ko pa rin siya hanggang sa makalabas na siya ng store namin. Nakahinga na ako ng maluwag nang makaalis na siya. Grabe, bakit kasi nandito siya? Ano bang ginagawa niya dito? Inaasar ba talaga ako ng tadhana?
~*~
"How can I move on kung palagi ko pa ring nakikita si Micah? Lumalayo na nga ako, pero lapit naman siya ng lapit kung nasaan ako", sabi ko habang nasa restaurant ako kasama si Happy.
"Are you sure you really want to move on? Kasi dapat hindi ka na nagpapaapekto kung sakaling magkita man ulit kayo", sincere na sabi ni Happy.
Ilang saglit lang ay dumating na si Mark at umupo sa tabi ni Happy dala ang in-order niya. "Hay nako, Xenia, ano ba pinuputok ng butche mo jan? Ibig sabihin kasi niyan maghanap ka na ng bago kung talagang gusto mo na siyang makalimutan".
"Oo nga, bakit kaya hindi ka makipagdate sa iba para naman hindi mo siya laging naaalala?", kunsinti pa ni Happy.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Nadala na ako sa ganyan, 'no! Ayaw ko na ngang makakilala ng ibang lalaki, eh. Tama na 'yong mga naranasan ko noon at pinagsisisihan ko na 'yon", iritadong sabi ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Fiksi UmumA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...