Chapter 17: Wife's Benefits ~
"Ano'ng sinabi mo, Micah?"
"I said I'm signing the annulment paper. We don't need to argue about this, you can take Allison with you."
Pinirmahan niya ang annulment paper at iniabot sa akin.
"Here".
I vaguely took it while staring at him. Hindi magsink in kaagad sa utak ko ang mga sinabi niya. Tinignan ko ang papel na inabot niya sa akin. Binasa ko ang mga nakasulat dito at tinignan ang pirma niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na pinirmahan na niya ang annulment paper. Hindi ako makapaniwala na pumayag na siyang makipaghiwalay sa akin. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos kong maramdaman ang init ng pagmamahal niya ay maghihiwalay na kami. So, 'yun ba ang way niya ng pagpapaalam? Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit parang hindi ako masaya na pinirmahan na ni Micah ang annulment paper?
"Pinapalaya na kita, Xenia. Ayaw ko nang gawing komplikado ang lahat at pahirapan pa natin ang isa't-isa. Sana maging masaya ka na sa kanya".
Hindi ako makapagsalita at nananatiling tahimik lang. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ako handa, masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"I... I'm going to pack Allison's things", saad niya.
Lumabas siya ng kwarto at naiwan akong nakaupo lang sa kama. Hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko nawawasak ang puso ko. Dapat na akong magsaya, pero bakit iba ang nararamdaman ko? Parang naninikip ang dibdib ko. Ilang beses akong huminga ng malalim para maunawaan ang lahat. Maghihiwalay na kami ni Micah?
Ilang sandali lang ay sumunod ako kung saan nagpunta si Micah. Bahagya kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Allison at doon ay nakita ko siya. Nakaupo siya sa tabi ni Allison at pinagmamasdan lang ang anak namin. Isasara ko na sana ang pintuan, pero bigla kong narinig ang mga paghikbi ni Micah. Umiiyak siya, pero pinipigilan niyang makagawa ng ingay. Pinapakinggan ko lang ang pag-iyak niya at parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Pati ako ay nadadala sa mga iyak ni Micah. Pinipigilan kong umiyak pero ang sakit pala sa dibdib na itago ang nararamdaman. Hindi ko na kayang pigilan ang mga luha sa mata ko kaya umalis na ako sa labas ng kwarto ni Allison. Ayokong marinig ang pag-iyak niya dahil nasasaktan din ako.
Matatapos ko nang ilagay ang mga gamit ko sa maleta nang makabalik na si Micah sa kwarto namin. Tinitigan ko lang siya pero hindi niya ako pinansin at dumeretso lang siya sa study room niya. Tumigil ako sa ginagawa ko at pumunta sa pintuan ng study room niya. Inilapat ko ang tenga ko sa pintuan para pakinggan kung ano ang ginagawa niya. Tahimik lang sa umpisa, pero ilang sandali lang ay narinig ko na ang paghagulgol niya. Masyadong malakas at nasisiguro kong nasa may pintuan lang din si Micah. Alam kong matapang at malakas na tao si Micah, at hindi siya isang emosyonal na tao, pero ngayon isang mahina, malambot at napakaemosyonal na Micah ang nakita ko.
Napaiyak na rin akong muli at napasandal sa pintuan. Hindi talaga ako masaya sa naging desisyon ni Micah. Parang gusto kong iurong ang pagsampa ko ng annulment kay Micah, kung hindi niya lang ito pinirmahan. Gusto kong sabihin sa kanya na, "Micah, ayokong umalis". Ayoko siyang iwan, hindi ko kakayanin. Sa totoo lang, napakatapang ko noon na piliting pirmahan ni Micah ang annulment paper, pero ngayong napirmahan na niya, para akong nanlalambot. Hindi ko pala kayang hiwalayan siya.

BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficção GeralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...