Chapter 30

2.8K 38 6
                                    

Chapter 30: Wife's Benefits ~

Wala akong pinagsabihan ng kahit sino na buntis ako. Ayokong may makaalam sa kanila dahil alam kong wala namang may pakialam. Maski si Dale ay hindi ko rin sinabihan. Hindi pa naman ako sigurado na buntis nga ako, eh. Mas mabuti pang kimkimin ko na lang ang dinadala ko.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin sa sarili ko kung itutuloy ko ba ito o hindi. Magiging kawawa lang ang batang ito kapag nabuhay siya sa cruel na mundong ito. No one had noticed that I was pregnant. Maybe I am three weeks or almost a month pregnant. Wala akong alam kung ilang araw na akong buntis. Gusto kong magpacheck up sa OB ko, but I knew Dale wouldn't allow me to go. Kung sabihin ko kaya ito kay Dale, would he allow me to go out? Then I thought what could be his reaction if I told him about our baby? Happy? Surprised? Proud? Or maybe mad? He's some kind of getting paranoid at baka mamaya isipin niya na ibang lalaki ang ama ng dinadala ko. Buwisit 'yon!

Dalawang buwan na ang nakalipas nang malaman ko na buntis ako, pero hindi ko pa rin nakukumpirma kung gaano na talaga eksakto ang buwan na buntis ako. Hanggang ngayon wala pa ring nakakapansin sa dinadala ko, dahil tinatago ko. Oo, naisip ko na buhayin na lang itong baby sa tiyan ko. Ayoko na rin kasing maulit pa ang mga maling nagawa ko noon. Pag nagkataong ginawa ko 'yon, pang-apat na baby ko na itong ipalalaglag ko. I'm not a baby killer.

Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang bata na 'to na mabuhay. Baka ito na rin ang maging daan para humupa na ang galit sa akin ni Margarette at ang lahat ng may ayaw sa akin, baka matanggap na nila ako, at baka ito na rin ang maging dahilan para manumbalik ang dating kami ni Dale. Sana lang ang batang ito na nga ang sagot sa lahat.

Pero isang araw, paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Margarette na naglilinis ulit ng taas. Hindi ko siya pinansin, as always, at dere-derecho lang ako papunta sa hagdan para makababa. Baka kasi kapag pinansin ko na naman siya, itutok na naman niya sa akin ang vacuum cleaner niya at tirahin na naman ako ng mga alikabok. Pero ang matanda, napansin na naman ako.

"Mukha yatang lumalaki ang balakang mo, ha?", puna niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. Heto na naman kami sa pagtatalo. "Pati ba naman ho ang balakang ko napapansin niyo pa rin?", iritang sagot ko.

"Tell me, buntis ka?", lumapit siya sa akin.

"Hindi ho ako buntis, siguro hiyang lang ako sa mga pagkain dito", sarkastikong sagot ko.

"Wag mo nga akong gawing tanga, Xenia. Alam kong buntis ka at matagal ko nang napapansin 'yon".

"Alam niyo naman ho pala, bakit tinatanong niyo pa?", I continued being sarcastic.

"Napakabastos talaga ng bibig mong babae ka! ~ Kay Dale ba 'yang dinadala mo, ha?", nagsisimula na rin siya mainis sa akin.

"Kay Dale nga ho, kanino pa ba?"

"Paano naman ako nakasisiguro na kay Dale nga ang dinadala mo?", tinaasan niya ako ng kilay.

"Nakasisiguro ho akong kay Dale ang batang ito dahil kahit kailan ay hindi ko siya pinagtaksilan".

"Talaga, Xenia? Kung hindi mo pinagtaksilan si Dale, bakit ka niya iginapos at ikinulong sa kwarto?"

Napatigil ako at biglang umurong ang dila ko. Alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo. "Ayoko na hong makipagtalo sa inyo, wala naman itong patutunguhan", muli ay tumalikod na ako sa kanya.

"Get rid of that baby", utos niya.

"At bakit ko ho gagawin 'yon?"

"Kung inaakala mo na dahil jan sa pinagbubuntis mo ay matatanggap na kita para sa anak ko, pwes nagkakamali ka. Hinding-hindi ko matatanggap ang bastardong batang 'yan dahil sa dugo mong mananalaytay sa kanya. Ipalaglag mo na lang ang batang 'yan", she uttered.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon