Chapter 48

3.1K 43 13
                                        

Chapter 48: Wife's Benefits ~


Tumayo ako at humarap sa kanilang dalawa. Galit ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Honey...", hindi makapaniwalang saad ni Micah.

"Do I need your explanation for this?", seryoso at galit na tanong ko. Humarap ako kay Allison. "Allison, doon ka muna sa kwarto mo."

Agad namang sumunod ang anak ko. Binalik kong muli ang tingin ko sa kanilang dalawa. Halata sa mga mukha nila ang takot at kaba. Akala ko ako ang kakabahan, pero hindi pala dahil galit ang nananaig sa puso ko.

"H-honey, please, let me explain", nanginginig na saad ni Micah.

"Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag mo, Micah. Matagal ko nang alam ang tungkol sa inyong dalawa ni Suzy. Hayaan mo, tinanggap ko na", pumihit ako ng tingin kay Suzy. "At ikaw, tinuring kitang kapatid, pinatuloy dito sa pamamahay ko, naging maayos ang trato ko sa'yo, pero bakit ganito ang igaganti mo sa akin? Ang kakapal ng mukha ninyong dalawa!"

Hindi ko na napigilan ang galit ko at pinagsasasampal ko silang dalawa. Pinaghahahampas ko sila, pinagsasabunutan. Basta galit ako, galit na galit. Umiiyak na si Micah sa harapan ko at lumuluhod na, ganoon din si Suzy, umiiyak sa harapan ko at patuloy sa paghingi ng tawad.

"Please, tama na, nasasaktan na ako", pagmamakaawa ni Micah.

"Nasasaktan? Ako ba tinanong niyo kung nasasaktan din ako? Hindi niyo alam kung gaano kasakit sa akin ang mga pinaggagagawa ninyo! Sobrang sakit, Micah", napaiyak na rin ako. "Sobrang sakit sa akin na magkunwaring hindi ko alam kahit na harapan niyo na akong ginagago. Sobrang sakit din sa akin everytime na nagsisinungaling ka kahit na alam ko na 'yong totoo. Bakit, Micah? Bakit mo ginawa sa akin 'to? Ginagantihan mo ba ako sa mga pagkakamaling nagawa ko sa'yo noon? Oo, nagkamali ako noon, pero pinagbayaran ko na 'yon, Micah. Sabihin mo, hindi pa ba sapat 'yong mga paghihirap na dinanas ko? I did everything to build this family again, but what did you do? You're just wrecking it. Ikaw itong sumisira. Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ang mga bagay na hindi ko ineexpect sa'yo. Bakit, Micah? Bakit mo ginawa 'to?"

"Nadala lang ako ng tukso", nanginginig na sagot ni Micah.

"Lumayas kayo!"

Biglang lumuhod muli sa akin si Micah at mas lalong bumuhos ang mga luha niya. Nagmakaawa siya ng todo sa akin. "Xenia, please, 'wag mo namang gawin 'to. Please, ayusin natin 'to. 'Wag mo 'kong paalisin."

"Mom, what's that noise all about?", narinig ni Allison ang mga sigaw ko, kaya naman napababa siya. Nakatayo siya sa hagdanan at tila naguguluhan sa mga nangyayari.

Agad akong lumapit sa anak ko at niyakap siya ng mahigpit. "Sweetheart, mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo."
Lumingon akong muli kay Micah na tuyo na ang mga mata ko, pero naroon pa rin ang bakas ng mga luha ko. tumalikod na ako at inakay na si Allison.

"I'm sorry, Micah, nakikipaghiwalay na ako sa'yo. Alam ko naman na hindi mo na ako mahal. Ramdam na ramdam ko naman. Kaya malaya na kayo at sana maging masaya kayong dalawa. Please lang, umalis na kayo at ayoko nang makita pa kayo", paakyat sa kwarto niya.

"Mommy, what's happening? Why are you crying? Did Daddy hurt you?", nag-aalalang tanong ni Allison habang pinupunasan ng maliit niyang palad ang mga pisngi ko.

"Yes, Sweetheart", naiiyak na sagot ko.

"What did he do to you?", naiiyak na rin siya. "I don't want to see you hurting like that, Mommy."

"Your dad has another woman, and it's Tita Suzy. Your daddy doesn't love mommy anymore that's why mommy is hurting", nagsisimula na namang bumuhos ang mga luha ko.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon