Chapter 12

3.8K 40 7
                                        

Chapter 12: Wife's Benefits ~

Iyak ako ng iyak sa t-shirt ni Micah. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa shirt niya na halos magusot na ito at mabasa na dahil sa mga luhang ipinapatak ko. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko. Ang sakit malaman ng katotohanang ako ang nagkamali. Pakiramdam ko ngayon ay nagsisisi na ako sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko kay Micah. Sana pala naniwala ako kay Micah noon, sana pala hindi ko na lang pinanindigan ang mga hinala ko, edi sana hindi ko nagawang magtaksil kay Micah. All this time, I was the only one who betrayed him. Kung hindi ko iyon ginawa, edi sana walang Dale at hindi mauuwi ang lahat sa ganito. Masaya sana ang pamilya namin.

"Tama na, Xenia", sambit ni Micah at hinimas niya ang likuran ko para pakalmahin ako.

"Patawarin mo ako, Micah", I cried still.

"Whatever it was, matagal na kitang pinatawad. I told you, I already forgot all those. Ang importante ay kung ano ang meron tayo ngayon", he hugged me even tighter. "Halika na, matulog na tayo".

Inakbayan niya ako at hinawakan ko siya sa tagiliran niya at niyaya na niya akong pumasok sa kwarto namin.

It was Sunday early morning, Micah and I were still lying on the bed when Allison came up and woke us up.

"Mommy, Daddy, wake up!", she said and pulled us out.

"Princess, it's Sunday. You woke up so early. Wala ka namang pasok eh", inaantok na sabi ni Micah.

"Yes it's Sunday and it's family day. Let's go to the church", she pulled as again.

Nagtatatalon siya at parang tuwang-tuwa sa araw na ito. 

"Why do you look so happy today?", I asked as I got up on the bed.

"I don't know but I feel so good today. Get up there, Daddy, we're gonna be late", once again she pulled out her dad.

"Okay, okay".

Nagpunta nga kami sa simbahan para magsimba. Ang dami kong dapat ipagdasal, ipagpasalamat at ikumpisal. Napakarami kong kasalanan, at sa dami ay hindi ko na kayang isa-isahin. Basta'y nagpapasalamat na lamang ako dahil kahit napakarami kong pagkakasala kay Micah, hindi niya pa rin ako iniwan at kahit ako na ang nagtangkang iwanan siya.

Pagkatapos naming manggaling sa simbahan ay kumain kami sa labas. Napakasaya at ang sarap sa feeling dahil parang ngayon ko na lamang ulit naranasan na makasama ng ganito kasaya ang pamilya ko. Even Micah, sobrang saya niya rin. Sobrang namiss ko talaga ito. Sobrang namiss ko ang pamilya ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa mga lugar na gustong puntahan ni Allison. Sa ngayon ay unti-unti na akong nakakabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya.

Magkasabay kaming maglakad ni Micah habang sinusundan kung saan man pumunta si Allison. Parehong nagtatama ang mga buto ng daliri namin. Susubukan ko sanang umiwas dahil naiilang ako, but then bigla na lamang hinawakan ni Micah ang kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng spark at panginginig nang dumampi ang kamay niya sa palad ko. I looked at him and he gave me a crystalline smile.

"Okay lang bang hawakan ko 'yung kamay mo?", he asked.

"Makakatanggi pa ba ako, eh hawak mo na nga ang kamay ko", I said.

Napangiti siyang muli na para bang mga high school students pa lang kami at bagong magsyota. Napangiti na rin ako at hinayaan na lamang siya na hawakan ang kamay ko. Dahil sa mga naalala ko, pakiramdam ko parang gusto kong magbalik-loob sa kanya, pero sinasabi ng isip ko na wag na dahil hinihintay ako ni Dale.

Wife's BenefitsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon