Chapter 23

3.1K 33 0
                                    

Chapter 23: Wife's Benefits ~



        "Ikaw si Hanna?", nanlalaki ang mga mata kong tinanong ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

        "Yes, anyway, where is Mama Margarette?", she grinned.

        Naalala ko kung sino siya, Dale told me about her, she was Dale's past lover. Dale told me she was abroad and never returned in here, but why she came back? 

        Sasagot na sana ako sa tanong niya, pero biglang dumating na ang hinahanap niya kasama si Dianne, isa pang anak nitong babae.

        "Hanna? Hanna is that you?", Margarette called behind Hanna.

        Tumalikod si Hanna at napangiti. "Mama Margarette!", she yelled with joy and ran to Margarette and hugged her.

        Ngayon ko lang nakita ang mga ganoong ngiti ni Margarette. Ang saya-saya niya na makita si Hanna. 'Yung mga ngiti niya na madadama mong walang halong kaplastikan. Nakakainis. Gusto niya talaga ang babaeng iyon.

        "Kanina ka pa ba dito? Sorry, kagagaling lang kasi naming simbahan", sabi ni Margarette.

        "It's okay, Mama, I just came here in a minute or two. But I missed you so much, Mama", she grinned, there's a tears in her eyes.

        "Me too, my dear", Margarette smiled.

        "Welcome back, Hanna", bati naman ni Dianne.

        Ngumiti sa kanya si Hanna at niyakap din ito. Halata kay Hanna na close na close siya sa pamilya ni Dale. Hindi na ako nakisali pa sa kanilang little reunion, aalis na sana ako dahil mukhang hindi na naman nila ako kailangan. Sa pagtalikod ko, nakita ko si Dale. Humarap siya sa akin at ngumiti ng malapad sabay lapit sa akin.

        "Xenia, andyan ka pala, kaya pala wala ka na sa tabi ko, eh", nakangiti niyang sabi.

        Palapit na sana siya sa akin para yakapin ako nang bigla kong narinig na tinawag siya nitong si Hanna.

        "Dale!", tawag ni Hanna na may paggalak sa kanyang tono sabay takbo palapit kay Dale at niyakap ito ng mahigpit.

        Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ni Hanna. Si Dale naman ay nagulat din sa biglang pagyakap nito sa kanya.

        "Dale, I missed you so much", masayang sabi ni Hanna habang nananatiling nakayakap kay Dale.

        Napanganga na lang din si Dale at niyakap na rin niya ito. But the hug that he gave was light.         Nang yakapin niya si Dale, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko may mali sa mangyayari.

        "Kamusta ka na? Na-miss talaga kita ng sobra", patuloy nito sa pagngiti.

        Kumalas mula sa pagkakayakap si Dale at tila ba naguguluhan din sa nangyayari. Hindi niya rin siguro inaasahan na babalik na si Hanna.

        "Ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik?", Dale asked sarcasticly.

        "Dale, ano bang tanong 'yan? Of course she came back for you", sabat naman ni Margarette.

        "Hindi mo ba ako na-miss?", Hanna pouted.

        "I-I'm sorry, nabigla lang ako sa pagdating mo", pagbawi ni Dale.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon