Chapter 49

3.2K 36 1
                                    


  Chapter 49: Wife's Benefits ~

*MICAH'S POV:


Nang makita ko si Xenia na umiiyak matapos niyang sabihin sa akin kung gaano niya ako kamahal, parang tinusok ang puso ko. Ano'ng nagawa ko? Bakit ko nagawa 'yon kay6 Xenia? Dhil doon marami akong bagay na narealize. Si Xenia talaga ang totoong mahal ko at mahal na mahal ko siya. Ang babaeng umiiyak sa harapan ko ang pinapangara ko noon pa man. Habang tinititigan ko siya parang nagflashback sa akin ang lahat ng good memories kasama siya. Bakit nagawa kong ipagpalit ang lahat ng 'yon sa taong hindi ko naman labis na kilala pa? Why did I betray her? Why did I cheat on her? I am so stupid for betraying her. She has changed for me but I have changed too, I turned bad. She's been good to me and loved only me but I wasn't fair to her.

Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko talaga gustong makita ang asawa ko na umiiyak sa harapan ko dahil nasasaktan din ako lalong-lalo na kapag ako angd ahilan kung bakit siya umiiyak.

"'Wag ka nang umiyak" saad ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-iyak habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at napaluha na rin ako. Hindi ko pinahalata sa kanya na umiiyak na rin ako mabilis kong pinunasan ang luha ko.

'Xenia, I'm so sorry for betraying you.. Xenia, you don't deserve me. You don't deserve to feel this. I'm so sorry", sambit ng isipan ko. Hindi ko masabi sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin dahil natatakot akong masaktan ko siya.

"Uwi na tayo", yaya ko.

Pumayag naman siya at saka kanina pa ako tinatamad at pagd na pagod na rin ako. Isinakay ko na si Xenia sa sasakyan dahil halatang pagod na pagod na rin siya.

Nang nasa sasakyan kami, tahimik lang siya. Pinapakiramdaman ko lang siya pero hindi siya umiimik. Pakiramdam ko ay may pinagdadaanan siya, pero bakit di siya nagsasabi? 'Di tulad ng dati, na kahit maliit na bagay ay sinasabi niya kaagad sa akin. Napansin ko na rin na nagiging cold na siya sa akin. Pero matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon, doon ko narealize na nagkamali lang pala ako, mahal na mahal ako ni Xenia.

Pagkauwi namin, niyakap akong muli ni Xenia bago kami pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay nasasaktan si Xenia. Alam na kaya niya?

"Napakaswerte ko sa'yo", bulong niya habang isinisiksik ang muha niya sa mga bisig ko.

Napakagat ako sa ibaba ng labi ko at napapikit ng mariin. 'Mas maswerte ako sa'yo', gusto kong sabihin sa kanya, pero wala akong lakas ng loob. Wala na akong karapatang sabihin iyon muli.

"Pahinga na tayo", ang tanging nasabi ko na lang.

Alam ko na-disappoint ko siya dahil sa mga inasal ko habang kasama siya. Oo, aaminin ko, parang unti-unti nang nawawala ang pagiging sweet namin sa isa't-isa. Kasalanan ko naman kung bakit nagiging cold na naman kami sa isa't-isa. Hindi ko magawang hawakan si Xenia, kasi pakiramdam ko ay madumi na ako at ayokong mabahiran siya ng karumihan ko.

Sana napakadaling sabihin lang sa kanya ng lahat at isang sorry at yakap lang ay ayos na ulit kami, pero hindi.



~*~


Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapanood naming tatlo nila Xenia at Suzy ang mga kagaguhan naming dalawa ni Suzy mula sa laptop ni Xenia. Hindi ako makapaniwala kung papaanong nangyari iyon. Paanong nagkaroon ng camera sa loob ng banyo - nang biglang naalala ko ang ginagawa ni Xenia sa ilaw ng banyo noong isang araw. Kung ganoon, matagal na ba niyang alam?

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon