Chapter 44: Wife's Benefits ~
I may be wrong with my instinct but I never give up. I know Micah has an affair with someone, if it's not Suzy, then I have to find out whom. I won't give up until I've found out the truth. Masaktan man ako sa katotohanan, at least hindi ako nagpakamartir.
Every night that I want to get touch, that I want Micah to do me, he always insist. Pakiramdam ko ay nagiging cold na naman siya sa akin. Lagi niyang sinasabi na pagod siya. Minsan naiisip ko na siguro nagawa na niya sa babae niya kaya pagdating sa akin ay pagod na siya.
Nakakatawang isipin dahil nag-iisip ako ng mga bagay na ikasasakit ng damdamin ko. Pero paano kung totoo ang mga hinala ko, hindi ba? Natatakot ako, pero kailangan kong tatagan ang loob ko. I have to fight for him. I have to save our family.
I cooked lunch for us. Saturday, noon time, kumpleto kaming mag-anak na kumakain sa mesa kasama si Suzy. Ang posisyon namin sa mesa, si Micah ang nasa gitna, nasa gilid niya ay ako katabi si Allison at sa kabilang gilid naman niya ay si Suzy. Tahimik lang kaming kumakain at tanging mga tunog lang ng kubyertos na sumasanggi sa plato ang maririnig. Pinagmamasdan ko silang kumain at lahat sila ay mga nakayuko na para bang naka-focus lang sa kinakain nila. Minsan napapatitig na lang ako kay Suzy dahil bigla-bigla na lang siyang mapapangiti nang wala namang dahilan. Magtataka ka na lang kung bakit siya mapapangiti.
Dahil sa sobrang tahimik, gumawa na ako ng ingay.
"Suzy, ano na nga palang balita sa ate mo?", tanong ko, pero hindi ako interesadong malaman ang tungkol sa ate niya.
Napatingin siya sa akin at bahagya akong tinitigan pansamantala bago nagsalita. "Hindi ko nga alam kung ano na ang plano niya sa akin, eh. Ang gulo niya kasing kausap", tumigil siya sandali. "Gusto mo na ba akong paalisin, Xenia?"
Biglang napatigil sa pagkain ang mag-ama ko at tinitigan ako. Na-confused akong bigla sa mga titig nila na feeling ko may mali akong gagawin.
Ayaw niyo bang umalis si Suzy? Naisip ko.
"Uy, hindi, ah. Natanong ko lang naman", defend ko.
Ngumiti siya ng pilyo sa akin. "Joke lang 'yon."
"Sira ka talaga. Sinabi ko naman sa'yo na welcome ka dito sa bahay namin at hindi ka naman pabigat", nakangiting saad ko.
Napangiti siya na may pagka-sincere, ini-stretch niya ang kamay niya para abutin ang kamay ko at hawakan iyon. "Thank you talaga, Xenia, ha? Napakabait mo talaga sa akin."
"What friends are for, 'di ba?", I smiled and she smiled too.
Pinihit ko ang tingin ko kay Micah na abala sa pagkain.
"Micah", I called.
Napatigil siya sa pagkain at humarap sa akin. "Bakit?"
"Wala kang pasok ngayon, 'di ba?"
"Oo, bakit?"
"Labas naman tayo ni Allison, oh? Lately kasi parang hindi na tayo nakakapagbonding na magpamilya."
"Mommy, I like that idea! Daddy, can we go out?", sabat ni Allison.
"Why not?", sagot naman ni Micah. Bumaling siya ng tingin kay Suzy. "Suzy, gusto mo bang sumama sa amin?", alok ni Micah dito.
"That sounds great, Daddy1", sabat muli ni Allison. "Tita Suzy, would you like to come with us?", tanong niya rin kay Suzy.
Teka, ako iyong nagyaya na lumabas kaming tatlo, bakit nag-aalok pa sila ng ibang kasama? Family bonding nga, 'di ba?

BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficción GeneralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...