Chapter 27

3.3K 30 2
                                        

Chapter 27: Wife's Benefits ~

 

XENIA'S POV:

 

        "Mag-iingat ka, ha?", paalala ni Dale kay Hanna nang nasa airport na kami.

        Hanna nodded and hugged Dale. Then she looked at me and smiled widely.

        "Xenia, please take care of Dale", she paused. "Pero alam ko naman na iingatan mo si Dale, eh. You are too rough to defeat", pagbawi niya.

        "Makakaasa ka", I said and smiled.

        Lumapit siya sa akin at niyakap din ako ng mahigpit. I guess it was really a goodbye for us. Sayang lang kasi ngayon lang kami nagkabati at nagkasundo sa dami ng pinagdaanan namin sa isa't-isa. Hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makilala ang isa't-isa, ang soft side namin. Siguro nga dumating lang siya para subukin ang pagsasama namin ni Dale. Kung inaakala talaga ng Margarette na 'yon na susuko ako, pwes, nagkakamali siya dahil mas lalo ko lang pagtitibayin ang pagsasama namin ni Dale.

        "Hanggang dito na lang kami, pumasok ka na sa departure", sabi ni Dale.

        "Ingat kayo, ha? Balitaan niyo ako sa kasal niyo", paalam niya. Ngumiti kaming pareho ni Dale at pumasok na rin siya sa loob ng departure area.

        Pagkatapos naming ihatid si Hanna sa airport, gabi na kami nakauwi sa bahay. Kung saan-saan pa kasi kami nagpunta, nagcelebrate kasi kami ng pag-alis niya. Sa wakas kasi nabawasan na ng isang hadlang sa buhay ko, kaya dapat akong magsaya.

        That night, nakahiga kami pareho ni Dale sa higaan. Pareho kaming napagod dahil sa buong araw na paglalakad kung saan-saan. Pero kahit na pagod na ako, hindi pa rin ako inaantok. Ayaw pa ring pumikit ng mga mata ko. Hindi ako makatulog na tila ba nakakaramdam ako ng panginginig ng buong katawan at kusang ngumingiti ang mga labi ko. Pumapasok pa rin kasi sa isipan ko na nagwagi ako laban kay Margarette. Nasa panig ko na si Hanna. Napapangiti na lang ako kapag naiisip ko ang hitsura ni Margarette nang malaman niyang aalis na si Hanna. Ngayon hindi na ako mahihirapan pa, dahil si Margarette na lang ang sagabal sa aming dalawa ni Dale. Napapangiti na naman ako dahil sa aking tagumpay.

        Humarap ako kay Dale na nakapikit na, pero alam kong hindi pa siya tulog. Hinaplos ko ang pisngi niya, kaya napadilat siya at humarap sa akin. Nginitian ko siya ng matamis at ganoon din siya.

        "Thank you so much for choosing me", I smiled.

        Ngumiti din siya. "Syempre, ikaw talaga ang pipiliin ko. I don't want nobody else but you. Nangako ako sa'yo, 'di ba? At ayokong sirain ang pangako ko sa'yo", he paused. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi ko. "I love you", he murmured.

        "I love you too", I replied. "Gusto kong makabawi sa'yo dahil sa mga ginawa mo para sa akin. Pakiramdam ko nanalo ako, kaya bilang balato sa'yo, I want to make your every night a special, romantic and unforgettable na kahit umaga at nasa trabaho ka, maiisip mo pa rin palagi ang ginagawa ko sa'yo. I want you to feel me every minute and then para hindi ka maattempt na gawin 'yon sa iba, instead, dali-dali kang uuwi dito para sa akin", I said, fiercely.

        Natawa siya. "Ikaw lang naman talaga ang gusto ko, eh. Ikaw lang 'yung gusto kong tikman", he was about to roll over me, but I refused.

        I raised my other eyebrow. "Stay there".

        I stood up. Nginitian ko muna siya ng isang nakakaakit na ngiti bago ko siya talikuran papunta sa banyo. Pagpasok ko ng banyo, agad akong nag-ayos ng sarili ko. Naghalf bath ako ng mabilis na mabilis. Then I brushed my teeth and washed my face. After that, I wore a red lipstick on my lips para fierce tulad ng isang babaeng palaban. I put some powder on my face para fresh. Nagshave din ako ng legs at armpit para makinis. I brushed my hair at nagspray ng perfume para mabango. Before I got outside, I looked at the reflection of that spectral girl wearing her night dress on the mirror. I've realized that that girl went through with so many struggles in her life, but she survived. There's nothing that can stop her, neither Dale's mother nor anyone. She will rise and she will get what she wanted, because that's what she came for in here, that's what the real reason why she was here. She must be a queen and all the people who was against her will vowed down in front of her and will kiss her feet, and begged to her to ask forgiveness.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon