Chapter 37

3.3K 31 8
                                    

Chapter 37: Wife's Benefits ~


"Ano ngayon ang gusto mong mangyari?", tanong sa akin ni Happy habang nakaupo kami sa terrace ng aming bahay.

"Hindi ko nga alam, eh. Nag-iisip pa ako", sagot ko habang ako naman ay nakatingin sa mag-ama ko na naglalaro sa may bakuran.

Bumisita ngayon sa amin si Micah. Gusto niya raw kasing makita si Allison. Sinabi ko naman sa kanya na pwede naman niyang makita si Allison kung gugustuhin niya, pwede niya rin itong ilabas basta ba'y ipapaalam niya muna sa akin kung saan sila pupunta.

"Ang tanong, mahal mo pa ba?"

Bahagya akong natigilan nang dahil sa tanong ni Happy. Ang tanong na 'yon ay hindi lumagi sa isipan ko simula nang magkita kami ni Micah. Mahal ko pa nga ba siya? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Ano, hindi ka makasagot? Ibig sabihin ay oo", sarkastikong saad niya. "Alam mo kung mahal mo pa, hindi mo na kailangan pang pag-isipan 'yan, lalo na kung mahal ka pa rin naman. If I were you, I would grab that chance. Nakita mo na kahit ikaw itong nagkamali, pero gusto ka pa rin niyang balikan. Hindi mo na dapat sayangin pa ang pagkakataong ibinibigay sa'yo, hindi mo na dapat pakawalan pa ulit si Micah", dugtong pa niya.

"Hindi ko alam, Happy. Gusto ko, pero natatakot ako".

"Ano bang kinatatakot mo? Nasabi mo na nga ang lahat-lahat sa kanya, iniwasan ka ba? Nagpakita ba ng hindi maganda sa'yo? Pinandirihan ka ba? 'Di ba hindi naman? Heto nga't gusto pang makipag-ayos sa'yo, gustong makipagbalikan. Hindi ka niya kinitaan ng marumi at tanggap naman niya ang nangyari sa'yo", pangangaral niya.

Isang malalim na buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya. Napakunot ang noo niya at napailing na lang dahil sa inasal ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil.

"Hindi ba't gusto mong mabuo muli ang pamilya mo? At ganoon rin naman ang gusto niyang mangyari. So, ano'ng ikinababahala mo? Kung wala ka nang pagmamahal na nararamdaman para sa kanya, edi isipin mo na lang ay para iyon sa anak ninyo. Pero, Xenia, hindi ako naniniwala na wala ka nang nararamdaman para kay Micah kung sakaling sabihin mo man iyon, kasi kung wala na, hindi ka magkakaganyan".



~*~


"Where are you going this time, Xenia?", natigilan ako nang maramdaman ko ang yakap ni Micah mula sa likuran ko at ang init ng hininga niya mula sa leeg ko. Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko'y nanigas ang buong katawan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Iyong yakap ni Micah, ang sarap sana sa pakiramdam kung hindi ako pinangungunahan ng kaba. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit na lang ako ng mariin at napakagat sa ibabang labi ko habang pinapakiramdaman ang mga yakap nya.

"Please, Xenia, don't leave me again, don't ever run away from me again. Xenia, please, ayusin natin kung anuman ang nasira sa ating dalawa. Please, come back to me, let's start a new life together", I know he was so sincere with his words. Ramdam ko na totoo ang lahat nang mga sinasabi niya, ako lang itong nagmamatigas.

"H-Hindi ko alam, ha-hayaan mo muna akong makapag-isip", buong puwersa kong inalis ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin. I was so stupid that the only thing that I did was to walk away from him.

Gusto kong makipagbalikan sa kanya, kaya nga ang bahay namin dati ang una kong binalikan dahil nagbabakasakali ako na naroon pa siya. Nang mga oras na 'yon, gustung-gusto ko siyang makita, makayakap, dahil kailangan ko ng masasandalan. Kailangan ko siya nang mga oras na 'yon. Pero lumipas ang mga panahon at kinayanan ko nang mabuhay nang hindi nakadepende sa kahit kanino, kinaya ko nang mabuhay nang wala siya sa buhay ko hanggang sa makalimutan ko na siya at hindi ko na kailanganin. Alam ko noon sa sarili ko na hindi ko na siya kailangan at sinukuan ko na siya, pero ngayong bumabalik siya at gusto niyang bumalik muli sa buhay namin ng anak ko, bakit pakiramdam ko ay nako-confused ako? May pagmamahal pa ba ako para kay Micah? May puwang pa ba siya sa puso ko? Tuluyan ko na ba talagang nakalimutan si Micah? Naguguluhan ako, nako-confused ako.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon