Chapter 11

3.9K 45 9
                                    

Chapter 11: Wife's Benefits ~

 

                After that one night stand with Dale, nagsimula na ang pakikipag-affair ko sa kanya. At first, there was a guilt inside me, but habang tumatagal, nagugustuhan ko na ang company with Dale. Siya ang pumupuno ng mga pagkukulang ni Micah at sa bawat gabi na gusto kong tumabi sa asawa ko, siya ang gumagawa para sa akin. Bakit ba hindi ko kaagad siya napansin? I did not expect na ganito pala siya magmahal, sobrang sarap.

                Our secret relationship lasted for a year. Habang tumatagal ang maling relasyon na iyon, parang mas lalo akong nahuhulog sa kanya. He did everything for me, binibigay niya ang lahat ng gusto ko, pinapasaya niya ako at mas minamahal niya ako hindi tulad ng pagmamahal na binibigay ni Micah, o dapat ko bang tanungin na may pagmamahal pa bang natitira sa akin mula kay Micah?

                Noong una nagpakaloyal at faithful ako kay Micah. Hindi ko pinapansin ang kahit sinong lalaki ang nagkakagusto sa akin, even Dale, hindi ko inentertain ang paghanga niya sa akin, dahil kay Micah lang ang puso ko. Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Kung hindi lang siya nambabae, hindi ko rin naman ito gagawin. Kung hindi dahil sa mga pagtanggi niya sa akin, hindi ako manlalamig ng ganito sa kanya at hindi ko iyon hahanapin sa iba. Siya naman ang nag-umpisa nito, kaya pinagpapatuloy ko lang. Kung gusto ng laro ni Micah, pwes, bibigyan ko siya ng matinding laro ngayon pang nahuhulog na talaga ang loob ko kay Dale.

                Sa tingin ko nga mahal ko na nga yata si Dale eh. Tanging siya lang ang palagi kong napapanaginipan. Sa tuwing hindi kami magkasama, parang ang bilis ko siyang mamiss, at palagi ko siyang nakikita kahit wala naman siya sa tabi ko. Siya lang ang lagi kong nakikita at siya na lang ang gusto kong makasama. Dahil sa larong ito, pakiramdam ko naging talo ako dahil nahulog na nga ako kay Dale. Ngunit hindi ko pinagsisisihan na mahulog ako kay Dale, sapagkat alam ko na mahal na mahal niya rin ako at handa siyang gawin ang lahat para sa akin.

                "Xenia, can I ask you something?", Dale asked habang nakahiga kami sa kama at nakapatong ang ulo ko sa braso niya.

                "Ano iyon?"

                "Sino ba ang mas mahal mo sa amin ni Micah?"

                "Ano bang tanong 'yan? Pinag-isipan mo ba ang tanong na 'yan?"

                "Yes. Gusto ko lang ng sagot. Okay lang naman kahit ano ang isagot mo, tanggap ko naman iyon".

                "Stop it, Dale. Of course I love you more than Micah now", sagot ko. "Hey, this is no kidding, mahal na nga talaga kita. And to be honest with you, noong una, for me, it was only a game, but now, I am taking it seriously. Mahal na nga kita, mas mahal kita kaysa kay Micah. And totoo 'yon".

                I jerked over him and kissed his lips. What I have said was true. When I say it, I meant it. Totoong mahal ko na nga siya.

                "Xenia, masaya ako dahil sa sinabi mo. You know, I want to marry you. Seriously".

                "What did you say, Dale?"

                'Yung sinabi niyang he wants to marry me, parang hindi ko kaagad na-gets. Parang ang bilis. Parang hindi ako ready. Parang... basta parang.

                "I said I want to marry you".

                "Dale, are you serious? You know you can't marry me. I'm already a married woman. If you pushed to marry me, it will not be legal. You know that".

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon