Chapter 38

2.5K 35 4
                                    

Chapter 38: Wife's Benefits ~


Nasa isa akong cafe habang nakatitig sa screen ng phone ko. Para akong may hinihintay na tawag mula sa isang tao. Nakatitig lang ako sa hawak kong phone at hindi man lang magawang galawin ang kape ko at slice ng cake sa ibabaw ng table ko. Hindi ako mapakali hanggang sa i-scroll ko na ang mga contacts ko at hanapin ang pangalan niya. Ilang araw na akong ganito mula nang huli kaming magkausap. Kagagawan ko naman kasi kung bakit hindi na siya nagpaparamdam, eh. Dahil doon ay nagmumukha akong tanga na nagbabakasakali sa kanya sa tuwing iilaw ang phone ko dahil may nagtext o tumatawag, pero bumabagsak na lang ang mukha ko at parang nadidismaya kapag hindi ang pangalan niya ang bumubungad sa screen ng phone ko.

Ngayon ay nakatitig ako sa contact info niya. Kulang na lang ay pindutin ko na ang call button, pero pinangungunahan ako ng takot at kaba. Nahihiya kasi akp sa kanya, eh. Matapos ko siyang pagtabuyan, ngayon ako itong maghahabol sa kanya.

Bakit kasi nawala na naman siya? Bakit hindi man lang niya kami kamustahin o kaya dalawin si Allison? Hindi naman kasi porke't pinagtabuyan ko siya'y kalilimutan niyta na rin ang responsibilidad niya sa anak namin. Para talaga siyang kabute kahit kailan na bigla-bigla na lang susulpot; o kaya naman ay multo na bigla-bigka na lang ding magpaparamdam kung kailan gusto niya. Pero minsan iniisip ko na maging positibo na lang. Iniisip ko na baka busy lang siya sa trabaho niya kaya hindi niya makuhang bumisita. Ganoon na lang ang iniisip ko sa tuwing namimiss ko siya. Oo, namimiss ko na nga siya, miss na miss na kita Micah!

Ang tanga-tanga ko kasi,eh. Sinusubo na nga sa akin ang pagakataon na magkaayos kami, ako naman itong si tanga na pilit na niluluwa ang pagkakataong binibigay sa akin, tapos kung kailan wala na saka naman ako maghahanap.



~*~


Nang hapong iyon, nag-aabang ako sa labas ng school ni Allison para sunduin siya. Kung hindi kasi si Lance ang susundo, ako ang sumusundo kapag wala akong pasok o kaya opening shift ako. Dati kasi si Micah din ang sumusundo sa kanya, pero hindi na ngayon. Hindi na ako magtataka kung baka isang araw ay bigla na lang magtanong sa akin ang anak ko kung bakit hindi na ang daddy niya ang sumusundo sa kanya. Ang kaso lang hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa anak ko. Alangan namang sabihin ko na pinagtabuiyan ko na ang tatay niya. Baka kapag sinabi ko iyon, magtampo na naman sa akin ang anak ko.

Uwian na ni Allison at nakita ko siya na palabas na ng school. Nagdali-dali siya sa pagtakbo palapit sa akin nang makita ako.

"Mommy!", she greeted and hugged me after she went near me.

I hugged her back. "How's your school?"

"We did activities. We did drawing and coloring", she grinned. But the smile on her face suddenly vanished and she looked around us. "Mommy, why'd Daddy doesn't show to us? Where is Daddy? I missed him so much".

Sinasabi ko na nga ba't tatanungin niya iyon, eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ayokong sabihin na dahil sa akin kaya hindi na nagpapakita ang daddy niya.

"Huh? Errr.... Maybe your dad is busy these past few days. We should let him work and maybe after that pwede na kayong makapagbond kapag maluwag na 'yong schedule niya", sagot ko.

"If he has no time to visit us, maybe we can do for him, right, Mommy? Let's visit Daddy!", ipinagdikit niya ang mga palad niya as a sighn of pleasing.

Nag-isip din muna ako sabdali. Gusto ko rin namang makita si Micah, so bakit pa ako tatanggi, 'di ba? Kapag nakita ko ulit si Micah, promise hinding-hindi ko na ulit siya pakakawalan pa. Hindi na ako magpapakipot pa at ako na mismo ang hahatak sa kanya palapit sa akin.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon