Chapter 14: Wife's Benefits ~
Nang malaman kong si Micah ang tumatawag sa akin, bigla akong naiyak sa tuwa. Sa wakas, maririnig ko na rin ang tinig nila. Thanks God, ligtas sila.
"Micah? Micah? Micah! Thank God you're alive! Micah. Micah?", I mumbled.
"Xenia, hindi ito si Micah, si Dale 'to", narinig kong ang boses ni Dale mula sa cellphone ni Micah.
"H-huh?", bigla akong natigilan at parang umurong ang lahat ng mga luha sa mata ko. Para akong nakaramdam ng kaba, takot at panginginig. Ano'ng nangyayari? Paanong napunta kay Dale ang phone ni Micah? Ano'ng nangyari kay Micah? 'Wag mong sabihing nagkita na silang dalawa? Nagkakilala na silang dalawa? Nagpang-abot ba silang dalawa? Ano'ng nangyayari?
Bigla na lamang nanginig ang mga tuhod ko. Bigla agad nawala ang lakas ko. Pinanghihinaan ako.
"N-Nasaan si Micah? Bakit nasa iyo ang phone niya?", kinakabahn kong tanong.
"You don't have to get worried, we're safe now. What you need to do is to bring my helicopter here as soon as possible. Micah is wounded".
"What? Ano'ng nangyari sa kanya?!", agad akong nag-alala nang marinig na hindi maayos ang kalagayan ni Micah.
"Please, saka ko na sasabihin sa'yo".
"Okay. Can I talk to my daughter?"
"I can't give the phone to her. There is no strong signal in here. Mamaya na tayo mag-usap ng maayos. Please just hurry".
"Okay. Please tell her I love her".
Pagkababa ng phone, agad kong ginawa ang iniuutos ni Dale. Pinadala ko kaagad ang helicopter ni Dale para ma-rescue sila. Masaya ako sa balitang narinig ko, pero ang mga ngiting gumuguhit sa labi ko ay mapapait. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Si Micah, si Micah, hindi maayos ang kalagayan niya. Ano'ng nangyari sa kanya? At ano'ng mukha ang maihaharap ko kay Micah once na bumalik na sila dito? Ano'ng gagawin ko?
~*~
Micah's POV:
Before the disaster...
Pumasok na kami ni Allison sa loob ng departure after kissing goodbye to her mommy. Bago kami makasakay sa eroplano, naghintay muna kami ng ilang sandali. Ito sana ang kauna-unahang family trip namin na buo ang pamilya namin, kaso hindi naman namin makakasabay sa pag-alis si Xenia. She has a lot of work to do, susunod na lang daw siya. Pero mas maganda sana kung makakasabay namin siya sa paglipad, mas masaya sana.
After a couple of minute nang paghihintay, pwede na kaming sumakay sa eroplano. Inilagay ko na ang ilang bagahe namin ni Allison sa may taas ng upuan at pagkatapos ay naupo na sa tabi ni Allison dahil magkatabi naman ang seats namin.
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficción GeneralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...