Chapter 13

3K 42 5
                                    

Chapter 13: Wife's Benefits ~

Labis-labis ang pagkabahala at pagkagulat ko nang makita ko ang balita. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.  Sobra-sobra akong nag-aalala sa mag-ama ko at kay Dale. Naiiyak na lamang ako sa tuwing maiisip ko na may masamang nangyari sa kanila. Pero pinapakalma ko lang ang sarili ko at sinasabi na ayos lang sila at walang masamang nangyari sa kanila, hindi sila nadamay sa sinabing trahedya na nangyari sa Haeundae.

Para makasigurado akong ayos lang sila, tinawagan ko na sila. Nang tinawagan ko si Micah, hindi ko siya ma-contact, unattended. Agad na akong kinabahan, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si Dale naman ang sunod kong tinawagan, pero tulad ng kay Micah, unattended din siya. Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko at labis-labis na talaga akong nag-aalala. Nagsimula na talaga akong mataranta at nabuo sa isipan ko na hindi sila ayos. May masama na talagang nangyari sa kanila.

Parang nanigas ang katawan ko, I felt so numb. Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang sakit isipin ng mga bagay na ayokong isipin, pero sinasabi ng utak ko na iyon na 'yung katotohanan. Hindi ko matanggap, hindi totoo 'yon. Ito na ba ang karmang sinasabi nila? Ito na ba 'yung karma ko? Ito na ba 'yung kabayaran sa mga pagkakasala ko, ang mawala ang mga taong pinakamamahal ko? Ang sakit, sobrang sakit. Sana ako na lang ang nawala instead na sila. Bakit kailangan na sila ang magbayad ng mga kasalanan ko? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakasama sa pag-alis nila? Sana sinama niyo na lang ako. Sobra-sobra ang pagsisisi ko sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko lubos maisip na wala na sila.

Agad akong tumawag sa isang rescue agency  para kumpirmahin kung kasama sa mga labing natagpuan ang asawa at anak ko at pati na rin si Dale, pero bigo ako. Wala sa listahan nila ang mga pangalan ng mag-ama ko at ni Dale. Akala ko pinagsakluban na ako ng langit at lupa, pero para akong nabuhayan ng bahagya nang malaman na wala sa listahan ng mga bangkay na nakuha ang pangalan nila.

Sumugod ako sa airport para makapunta ako sa Haeundae. Gusto kong makasiguro na ligtas sila. Wala sila sa mga patay na natagpuan, malaki naman ang chance na kasama sila sa mga ilang tao pa na nawawala. Sana nasa mabuti silang kalagayan.

Nang makarating ako sa airport, pinigilan nila ako na makaalis dahil cancelled daw ang mga flight papuntang Haeundae.

"Please, wala ba talagang flight papunta doon? I need to confirm if my family is still alive!", pagmamakaawa ko sa mga tauhan sa airport.

"We're very sorry, ma'am, but we cancelled all the flights in Haeundae. Delikado pong lumipad papunta doon. Maghintay na lamang po kayo ng balita muna".

"Maghintay? How can I just wait in here if my family was suffering in there, huh? Nag-aalala ako sa pamilya ko, and now you're saying that maghintay lang ako dito? Paano kung patay na pala ang mag-ama ko, huh? Hihintayin ko na lang dito ang pagdating ng mga bangkay nila? That's bullshit!".

Nakakagawa na ako ng iskandalo sa airport dahil sa pakikipagsagutan sa isa mga employee dito. Kung sila kaya nilang maghintay dito, pwes ako hindi ko maaatim na tumayo lamang dito at maghintay ng balita. Hindi ako papayag na wala akong gawin dito samantalang ang pamilya ko ay naghihirap para makaligtas sa lugar na iyon. Isa pa, hindi lang ako ang nag-aalala dito dahil may iba ring mga pamilya dito ang gustong makalipad papuntang Haeundae dahil nag-aalala din sila sa pamilya nilang naroroon. Hindi ba iyon maisip ng mga taong nagtatrabaho dito, na nag-aalala kami? Palibhasa kasi wala silang pamilya na naroroon.

"Please, wag po tayong magkagulo, maghintay lang po muna tayo ng updates mula sa Haeundae. Hindi po kasi tayo pwedeng lumipad doon ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang tubig doon".

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang maghintay. Naupo na lamang ako sa isang tabi, pero hindi pa rin mawala sa loob ko ang pag-aalala. Hindi ako mapakali. Nagdadasal na lamang ako na sana ay nasa mabuti silang kalagayan, na sana ay ligtas sila.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon