Chapter 29: Wife’s Benefits ~
“Dale, nasasaktan ako!”, pag-iyak ko habang hinahatak niya ng mahigpit ang braso ko at kinakaladkad ako palabas ng mall.
Hindi niya ako pinapakinggan dahil namumuo ang galit sa kalooban niya. Natatakot tuloy ako sa maaaring mangyari. Binitawan niya lang ako nang makarating na kami sa sasakyan niya. Walang habag na tinulak niya ako papasok sa loob ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto. Pagkatapos ay sumakay na rin siya at umupo sa driver’s seat.
Tahimik siyang nagmamaneho ng sasakyan habang ako naman ay hindi mapakali dahil naghahari ang matinding takot at kaba sa dibdib ko.
“D-Dale, let me explain. I-It’s not what you think”, nauutal kong sabi, but he did not give gaze at me, his eyes were focused on the road.
Nang makarating kami sa bahay, mabilis siyang bumaba sa sasakyan at agad na binuksan ang pintuan sa tabi ko. Hinatak niya ako sa braso ko at para akong isang papel na nadadala sa paghatak niya.
“Dale, nasasaktan ako!”, I cried again.
Margarette saw us when we got inside the house. I felt embarrassed as she stared at me.
“Ano’ng nangyayari?”, she asked as if she really cared about the agenda when all that she cared about is how to get rid of me to their life.
Hindi ko siya pinansin at ganoon din si Dale sa kanya. Because if we did, I am very surely na makikisali lang siya sa nangyayari at ako na naman ang pagmumukhain niyang masama.
Patuloy lang akong hinatak ni Dale papunta sa kwarto namin at itinapon niya ako pahiga sa kama.
“Sino ‘yung lalaking ‘yon, ha Xenia?!”, nagngingitngit sa galit na tanong niya sa akin. “Lalaki mo ba siya, ha?!”
“Hindi ko siya lalaki! Nakilala ko lang siya sa mall. Tinutulungan niya lang ako!”, I cried.
“Don’t make me stupid, Xenia! I am not stupid!”
“Nagsasabi ako ng totoo, Dale!”
He suddenly went near me and grabbed my neck. “Wag mo ‘kong gaguhin, Xenia! Kitang-kita ko kayong dalawa! Kitang-kita ko ang ginagawa niyo!”
Nasasaktan ako at nahihirapan sa paghinga dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. Halata sa kanya na sobrang galit siya sa akin.
“H-hayaan….mo muna ak…akong magpaliwanag”, I cried again.
“Ano pang palusot ang gagawin mo, eh, nakita na ng dalawang mata ko ang lahat?!”, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa akin hanggang sa tumulo na lang ang luha ko.
“Agghhhh”, I tried to catch my breath.
“’Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong makasal sa akin, ha?”, nanggigigil siya at mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa akin.
"N-Nasasaktan ako, Dale", mangiyak-ngiyak kong sabi habang pilit na inaalis ang kamay niya sa leeg ko.
"Mas lalo kang masasaktan kung hindi ka magsasabi ng totoo!", he yelled at me.
"Ano pang aaminin ko, eh, nagsasabi naman ako ng totoo!", I shouted.
Napatigil siya sandali at napanganga sa akin. Lumuwag din ng bahagya ang pagkakasakal niya sa akin, kaya naman nakahinga na ako ng maayos. Habol-habol ko ang hininga ko.

BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
General FictionA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...