Chapter 36: Wife's Benefits ~
Magkatitigan lang kami ni Micah habang hawak-hawak niya ang braso ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko parang bumagal ang takbo ng oras sa pagitan naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko, parang gusto na ngang kumawala ng puso ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko.
Kasabay ng pagtititigan namin ay ang unti-unting pagtigil ng pag-ikot ng carousel sa tapat naming dalawa. Bigla lang akong bumalik sa realidad nang biglang yakapin ni Allison si Micah.
"Daddy! Daddy, I can't believe that you are here!", nagagalak na sabi ni Allison.
Niyakap naman din siya ni Micah at binuhat ito at nginitian lang.
"I missed you so much, Daddy! Are you going back to us now?", saad ni Allison.
Muli na namang nagtama ang mga mata namin ni Micah at napawi ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi. Para siyang walang kasiguraduhan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o paiiralin ko ang takot at kabang nararamdaman ko. Ngunit nasaksihan ko kung gaano silang dalawa na kasabik sa isa't-isa. Iyon ang bagay na ayaw kong ipagdamot sa kanilang dalawa, ang magkasama silang mag-ama.
Nasa may playground kami ng amusement park. Masaya namang naglalaro si Allison at ang daddy niya sa may swing, habang ako naman ay nakaupo lang sa isang mushroom hut na may marmol na lamesa at mga upuang nakapalibot. Pinapanood ko lang sila na maglaro. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Masaya naman ako, kasi nakikita kong masaya ang anak ko, dahil nakasama niyang muli ang daddy niya, pero may takot at kaba na bumabalot sa akin. Sabi ni Micah ay mag-uusap daw kami, pinagbigyan ko na siya, dahil ayaw ni Allison na malayo ulit sa ama. Kinakabahan ako sa kung anuman ang ikokompronta sa akin ni Micah. Hindi pa talaga ako handa na harapin siya para sa isang pag-uusap.
Ilang sandali lang ay bumalik na sila sa kinauupuan ko. Halata ang pagod sa kanilang dalawa, ngunit may ngiti pa rin na gumuguhit sa kanilang mga labi.
"Oh, bakit bumalik na kayo? Pagod na ba?", tanong ko sa kanilang dalawa.
"Pahinga muna raw kami at kailangang magmerienda nitong si Allison", hinihingal na sagot ni Micah, pagkatapos ay umupo sa isang bakanteng marmol na upuan malapit sa akin.
"Sweetheart, come here", tawag ko kay Allison.
Lumapit naman ito sa akin at dumantay sa magkabilang hita ko. Napalingon ako kay Micah at nakatingin lang siya sa amin. Kumuha ako ng towel sa bag ko at inihagis sa kanya para ipangpunas sa pawis niya.
"Salamat", sabi niya.
Tumango lang ako at pinunasan ko na rin ng pawis ang mukha at leeg ni Allison. "Basang-basa ka ng pawis, anak", may pagkainis na sabi ko.
Ipinihit ko si Allison patalikod sa akin at pinunasan din ang likuran nito at pinahiran ng pulbo saka ko nilagyan ng tuwalya ang likuran niya.
"Do you want to change clothes now?", tanong ko.
"Not yet, Mommy. Daddy and I are still going to play. We just take a break because we want to eat", sagot nito.
"Eh, 'di ba kakakain lang natin?", sabi ko habang nilalagyan ng pulbo ang mukha at leeg nito. "Amoy pawis ka na, Sweetheart", pabirong sabi ko habang inaamoy-amoy ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/15268992-288-k544532.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficción GeneralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...