Chapter 45: Wife's Benefits ~
SUZY's POV:
"Suzy!"
Bigla akong nataranta sa pagkakatayo ko habang nag-aayos ng mga gamit nang marinig ko ang malakas na boses ni Lucas na tila pagalit na tinatawag ang pangalan ko.
"B-Bakit?", kabadong tanong ko nang puamsok si Lucas sa kwarto namin. Alam kong galit na naman siya.
'Pak!'
Isang malakas na sampal lamang ang isinagot niya sa akin. Sa sobrang sakit, napahawak na lam,ang ako sa pisngi ko na tila nawala sa diwa dahil sa malakas na impact ng pagkakasampal niya sa akin. Tumulo na lamang ang mga luha ko nang makabalik ako sa ulirat.
Ano'ng nagawa ko?
"Tama ba itong nabalitaan ko kay Mama na nanlalalaki ka?!", galit na tanong niya.
"A-Ano'ng pinagsasabi mo?", nanginginig na tugon ko habang hinihimas ang namumula sa sakit kong pisngi na nababasa na ng luha ko. "W-Walang katotohanan 'yan, Lucas."
"Wala? Eh, si Mama na nga nagsabi! 'Wag mo 'kong gawing tanga, Suzy, mas lalo akong naiinis", nagngingitngit sa galit na saad niya.
"Hindi ako nagsisinungaling, Lucas", umiiyak na saad ko.
'Pak!'
Isang malakas na sampal muli ang inabot ko kay Lucas at mas lalong sumakit ang pisngi ko. Napahagulgol na lang ako nang dumampi muli sa namumulang pisngi ko ang palad niya.
"Tumigil ka na!", sigaw niya sabay hatak sa buhok ko palapit sa kanya.
"Aray! Nasasaktan ako, tama na", pagmamakaawa ko at pilit na inaalis ang kamay niya mula sa pagkakasabunot sa akin.
"Sabihin mo, sino ang lalaki mo? Papatayin ko siya!", at nagpatuloy pa siya sa pagsigaw sa akin. "Ang lakas din ng loob mong dalhin ang lalaki mo dito, ha? Ang kapal ng mukha mo", sa sobrang galit niya ay itinapon niya ako sa sahig at tumama ang katawan ko sa malaking aparador.
Iyak na lang ako ng iyak at hindi ko na nagawa pang sumagot dahil baka mas lalo niya lang akong saktan. Kahit na ipaliwanag ko pa sa kanya ang lahat ay hindi siya maniniwala dahil sarado na ang isip niya para pakinggan ako. Nanay niya lang ang tanging pinaniniwalaan niya.
Lumuhod siya sa harapan ko habang ako naman ay nananatiling nakaupo sa isang tabi at patuloy sa pagbuhos ng mga luha.
"Oo, alam kong ako ang may problema. Dahil sa akin kaya hindi tayo magkaroon ng anak. Impotent ako", pagtangis niya. "Pero dahilan ba 'yon para maghanap ka ng iba? Hindi mo na ba ako mahal kaya ginagawa mo 'yon?"
"Mahal kita", umiiyak na sabi ko.
"Eh, bakit nanlalaki ka?"
Hindi na ako sumagot dahil nahihirapan na akong magsalita. Puro pag-iyak lang at paghikbi ang lumalabas sa bibig ko.
"Sumagot ka!", pinagsasasampal niya ng paulit-ulit at magkabilaan ang mga pisngi ko.
"Tama na!"
Umakyat ang nanay ni Lucas at pumasok sa kwarto namin kasama ang tunay niyang nurse. Lumapit siya sa amin at bigla akong sinipa ng malakas sa sikmura ko na siyang ikinapilipit ko sa sakit.
"Walang hiya kang babae ka! Ang lakas ng loob mong pagtaksilan ang anak ko. Wala kang utang na loob. Kung hindi dahil sa anak ko, malamang sa iba ka na pinulot. Tandaan mo, anak ko ang nagbihis sa'yo at nagpakain d'yan sa kumakalam mong sikmura", galiit na saad sa akin ng matanda. "Lumayas ka dito! Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya namin, malandi ka", dugtong pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15268992-288-k544532.jpg)
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficção GeralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...