SPECIAL CHAPTER

4.4K 75 20
                                        

SPECIAL CHAPTER: (EPILOGUE)

Naisip ni Xenia na bisitahin ang kanyang mga magulang upang ibalita na nakabalik na sila at ayos lang sila. Si Lance ang sumalubong sa kanila pagkakatok niya sa pintuan. Magkahalong gulat at saya ang naramdaman nito nang makita sila.

"Xenia", sambit nito, sabay yakap ng mahigpit sa kanya. "Kailan pa kayo dumating? At ano 'yang nasa tiyan mo? Kamusta ka na? Ni hindi ka man lang tumatawag, ha?", sunud-sunod na tanong nito.

"Kadarating lang namin kahapon. Atsaka hindi mo na dapat kami inaalala kasi okay lang kami at masaya naman kami", sagot niya. Tinignan ni Lance ang tiyan niya. "Eight months na 'to", dagdag niya sabay himas sa maumbok na tiyan.

"Sino naman ang tatay niyan?"

"Si Micah, sino pa ba?"

Biglang nagbago ang rekasyon sa mukha ni Lance. Napawi ng bahagya ang mga ngiti sa mga labi nito, ngunit hindi nito pinahalata. Pinilit nitong ibalik muli ang ngiti.

"Alam mo ba kung nasaan si Micah?", tanong ni Xenia.

"B-Bakit mo siya hinahanap?", nauutal na tanong ni Lance.

"Of course he has the right to know about our baby", she smiled. "At naisip ko rin na ito na siguro 'yung tamang panahon para patawarin siya, para buuin kong muli ang pamilya ko. Alam mo, kahit masaya ang naging buhay ko, na-realize ko na parang may kulang pa rin sa akin. Hinahanap-hanap pa rin ng puso ko si Micah."

"Xenia", Lance muttered.

"Alam mo ba kung nasaan siya?", muling tanong niya.

It takes a moment before Lance could find his voice. "T-there's something you need to know..."

Dali-daling pumasok si Lance sa loob at sumunod naman si Xenia hanggang sa sala. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Parang may hindi magandang nangyari. Napasapo na lang siya sa kanyang dibdib fahil sa unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaba. Pakiramdam niya bad news ang sasabihin sa kanya ni Lance. Pero pinilit niya pa ring maging positibo.

Lumabas na si Lance galing sa kwarto nito. May dala itong maliit na kahon at iniabot sa kanya.

"A-Ano 'to?", kinakabahang tanong niya nang tinanggap niya ang kahon.

"Galing kay Micah 'yan. Sabi niya kapag nakita daw kita, ibigay ko 'yan sa'yo."

Nang malaman na kay Micah galing iyon, agad-agad niya itong binuksan. Napanganga na lamang siya nang makita abg isang kuwintas na noon ay inaasam-asam niyang ibigay sa kanya ni Micah. She never thought na bibilhin 'yon ni Micah para sa kanya. Akala niya'y hanggang pangarap na lamang 'yon, pero ngayon ay nasa kanya na ito at galing pa iyon kay Micah. Napalitan ng tuwa ang kabang kanina lang ay nararamdaman niya.

Ngunit may napansin siyang isang pirasong papel sa ilalim. Nabura kaaagd ang panandaliang kasiyahan na naramdaman niya. Na-curious siya sa kung ano ang laman ng papel kaya naman agad niya itong binasa.

Binasa niya ang sulat, ngunit hindi niya inaasahan na tumulo ang kanyang mga luha sa unang pangungusap pa lamang ng sulat ni Micah.

"Dear Xenia, I'm sorry that I was never been a good husband to you..."

Sa unang pangungusap pa lang, nakaramdam na kaagad siya ng kaba, ngunit pinagpatuloy niya pa rin ang pagbabasa.

Nakapaloob sa sulat ang lahat ng mga bagay na gustong iparating ni Micah sa kanya. Ramdam na ramdam ni Xenia ang bawat emosyon sa bawat salita. She couldn't stop crying habang patuloy sa pagbabasa. Pakiramdam niya'y may nakaipit na kung ano sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang makahinga. Nang matapos niya itong basahin, hindi na niya napigilan ang mapahagulgol. Labis-labis ang mga luhang ibinubuhos niya, ramdam niya ang sakit at muling bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng paghihirap niya noon,ang mga pinagdaanan nilang dalawa ni Micah. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa lahat ng nangyari sa kanila. Kung ginamit niya lang ang utak niya, hindi nila pagdadaanan ang lahat nang iyon.

Wife's BenefitsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon