Chapter 32

3K 39 5
                                    

Chapter 32: Wife's Benefits ~



Nauwi kami sa pagrenta na lang sa isang maliit na apartment. Wala na kaming choice dahil wala na ang lahat kay Dale. The only thing that was left to him was his company. Alam ko na sa ganitong oras na walang-wala na siya, mas kailangan niya ako. Kailangan niya ng kalinga at ng makakasama. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa kanya kaya hindi ko siya pwedeng iwan. Ngayon masusubukan kung gaano kami katatag, kung hanggang saan tatagal ang pagsasama namin. Kailangan kong ipakita sa kanya na matatag ako at hindi ko siya iiwan. Pinatunayan niya lang sa akin na mahal niya talaga ako at hindi mahalaga ang kayamanan sa kanya. Kakayanin ko ba ang ganitong sitwasyon? Hindi ko alam pero hindi ako bibitiw ng ganun-ganoon na lang.


Hindi gaanong kalakihan ang nakuha naming apartment, isa itong malaking bahay na hinati sa apat and we were on the second floor. Parang isang malaking match box ang loob na may dalawang kwarto na hindi kalakihan; one for Dale and I, and the other was for Allison. Ginawa talaga ang apartment para sa isang bagong pamilya na tulad namin. It suited. Wala kaming gaanong gamit na nadala para sa bahay kaya medyo maluwag pa ito sa amin. Walang appliances but there was an old sofa and a small round table for dining with two old wooden chairs. Sa dalawang kwarto naman ay may dalawang papag na, siguro sinadya nang iwan 'yon ng dating nakatira sa apartment. Okay na rin ang apartment na 'to, at least it was affordable, three thousand pesos a month ang rent kasama na doon bayad sa kuryente at tubig.


Nilapitan ko si Dale na nakaupo sa sofa. Halata sa kanya ang pamomroblema niya. Nakatingin siya sa bank book niya at hinga siya ng hinga ng malalim.

"Bakit?", tanong ko.

"This is all that's left in me", pinakita niya sa akin ang bank book niya. Hundreds and thousands na lang ang natitira sa pera niya. I became worried. Magkakasya kaya sa amin ang pera na natitira sa kanya? "This is not enough for us".

"I-I can help you, I can find a job", I suggested.

"No, Xenia, I told you you don't need to do that. I'm gonna find a way para mapalaki ang perang natitira sa atin", he sighed. "Xenia, mawawala ka din ba sa akin?"

Natigilan ako ng bahagya. Saan niya nakuha ang katanungang 'yon? Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya iiwan, hindi ko siya tatalikuran ng ganun-ganun na lang. He needs me and he doesn't have anybody else but me, I am all that was left to him.

"I'm not gonna leave you hanging in this kind of situation. We can make it through. We can work this together", I sincerely uttered.

I saw the spark on his eyes, it glittered. Namumugto ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din siya.

"Akala ko iiwan mo na ako kasi wala na akong maibibigay sa'yo", he cried.

"I'm not", hinalikan ko siya sa mga labi niya. "Tulog na tayo", yaya ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinatak ko na ang mga braso niya para makatayo na siya. Inalalayan ko siya papunta sa kwarto namin at hindi naman siya nagpabigat. Pagpasok namin sa kwarto ni-lock na namin ang pinto. Nakangiti ko siyang hinatak. Alam ko na depress siya ngayon at kailangan ko siyang pasayahin, ang sarili ko na lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

He then kissed me passionately and I did not protest. His hand cupped my breasts and slowly pushed me on the bed. I bumped on the bed at nasaktan ako kaya napaingit ako.

"What's wrong?", he asked.

"Masakit, eh", naka-ingit kong sagot sabay pokpok sa papag na kama.

Natawa siya at ganoon din ako. Parehas siguro naming nakalimutan na wala nga palang kama ang papag at isang malaking kumot lang ang nagsisilbing sapin nito. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako sa may balikat ko.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon