Chapter 19: Wife's Benefits ~
It was our second day dito sa bahay nila Dale. At least one day nakasurvive ako na pakisamahan sila, even if they did not gave us a warm welcome. Susubukan kong pakisamahan sila kahit na hindi maganda ang pakikitungo nila.
Gising na ako at tulog pa si Dale. Maaga kasi akong nagising o sadyang hindi lang talaga ako nakatulog ng ayos, namamahay pa kasi ako. Pinuntahan ko si Allison sa kwarto niya at gising na rin siya nang puntahan ko. Tulad ko, hindi rin siya nakatulog ng ayos. Hinihintay na lang namin na magising si Dale bago lumabas ng kwarto. Kung pwede nga lang sana hindi na ako lumabas ng kwarto maghapon eh, pero nagugutom na kasi si Allison. Hindi naman kami makalabas, baka kasi makasalubong pa namin 'yung nanay ni Dale. Isipin pa no'n eh feel at home kami sa pamamahay niya kahit na hindi naman kami katanggap-tanggap dito. Kung pwede nga lang sana na sa hotel na lang kami magstay eh, si Dale lang naman ang may ayaw. Gusto niya kasi ng one big happy family. Naku, kung alam niya lang, kalbaryo ang haharapin ko dito.
Nang magising si Dale, nagyaya na si Allison na bumaba na daw kami. Nag-ayos lang sandali si Dale at pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto. Sa pagbaba namin, nakasalubong namin si Danna. Bigla akong natigilan sa paglalakad at napayuko na lang. Ayoko siyang makita, ayokong makarinig ng kahit ano sa kanya.
"Good morning, guys", bati niya.
Hindi pa rin ako lumilingon at nananatiling nakayuko lang. Sana umalis na siya sa harapan namin.
"Good morning", Dale greeted back.
"Hi, baby, good morning".
I turned my head on Allison who was hiding behind Dale.
"Morning", nahihiya niyang bati.
"Bakit ka naman nakayuko, Xenia? Ayaw mo ba akong makita?", baling sa akin ni Danna.
Dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at napakagat sa labi.
"Hey, don't be afraid of me, I'm not going to bite you", she grinned, and she went on. "Anyway, I'm so sorry about yesterday. Naging magaspang ang pagwelcome ko sayo. I'm so sorry about that. At ako na rin ang humihingi ng paumanhin sa mga sinabi ni Mama kahapon. Kinikilala ka lang no'n, besides ganoon din siya sa ibang tao na hindi naman niya kilala. Ako nga noon pinakilala ko sa kanila 'yung boyfriend ko, nagmasungit. But later on, okay na sila ni Mama. Kaya ikaw, pagpasensyahan mo na lang muna si Mama. Soon, magiging okay rin kayo".
My heart pounded. Totoo ba ang mga sinabi niya? Sana ganoon nga lang talaga ang nanay nila sa umpisa.
"Uhm.. okay lang 'yon, naiintindihan ko naman kayo. Siguro sinusubukan lang ako ng mama niyo kung talagang deserving ba ako para kay Dale", pangiti-ngiti kong sabi na may hiya sa aking tono.
"Yeah, that's right. Favorite kasi ni Mama itong si Kuya", she grinned again.
"That's not true. If I know mas gusto ka ni Mama", sabat ni Dale.
"Sus!", she turned her face again on me. "Kung alam mo lang, Xenia, napaka-Mama's boy nitong si kuya".
Napanganga ako pero nakangiti na parang gusto kong sabihin na "seriously?". Pero sa nakikita ko sa kanilang dalawa, parang close na close talaga sila.
"But I told you, Xenia, ganoon lang talaga si Mama", sabat naman ni Dale.
Ngumiti lang ako kay Dale.
"Oh, paano, iwan ko na kayo", sabi naman ni Danna at umalis na siya.
Nagpunta na kami sa may dining table at nagpahanda na kaagad si Dale ng almusal. Pagkaupo ko sa hapag, para akong nakaramdam ng kaligayahan sa puso ko. At least nabawasan na ang pangangamba sa dibdib ko. Napanatag na kahit papaano ang kalooban ko.
BINABASA MO ANG
Wife's Benefits
Ficción GeneralA tragic story of a seductive woman who's seeking love from her husband, but she found it with her boss. Now that she found love with her boss, she filed an annulment for her marriage, but her husband refused to sign it. She tried so hard to get tha...