Chapter 46

2.7K 31 18
                                    

Chapter 46: Wife's Benefits ~

XENIA's POV:



Nanahimik na lamang ako nang malaman kong pinagtataksilan ako ng asawa ko at ng kaibigan ko. Pero hindi ibig sabihin no'n ay wala akong pakialam. Gusto ko lang munang palipasin ang mga nangyayari. Gusto kong sanayin muna ang sarili ko. Gusto kong maging handa sa mga susunod na mangyayari. Gusto kong magkaroon ng lakas ng loob na komprontahin silang dalawa dahil sa ngayon ay hinang-hina ako sa natuklasan ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito sa akin ni Micah, ni Suzy. Tinuring ko pa naman siyang tunay na kaibigan, pero ito ang igaganti niya sa akin? Aahasin niya ang asawa ko.

All this time, tama naman pala ang mga hinala ko. Pero nakakatawang isipin dahil kung ano ang nagawa ko noon kay Micah, ay siyang ginagawa niya ngayon sa akin. Hanggang ngayon ba kailangan ko pa ring magdusa sa kasalanang nagawa ko noon? Hanggang ngayon ay kailangan ko pa ring pagbayaran iyon? Hindi pa ba sapat ang mga sinapit ko noon? Bakit kailangan pang dumating sa point na mangyari ito?

Masakit para sa akin ng mga nangyayari, pero kailangan kong maging mahinahon para makapag-ipon ako ng lakas na makompronta silang dalawa.


Isang tanghali, kumakain kaming lahat ng sabay. Tahimik lang ako dahil wala ako sa mood. Masakit pa rin ang puso ko, pero kailangan kong kimkimin iyon. Walang kahit sino sa amin ang may lakas ng loob na magsalita, – o baka sadyang gusto lang nilang kumain ng tahimik at magsasalita lang kapag may ipapaabot.

"Honey, wala nang ulam", saad ni Micah.

"Kukuha ako", sabi ko sabay tayo at abot sa malaking mangkok na lagayan ng ulam.

Pumunta ako sa kusina at sumandok ng ulam at pagkatapos ay nagtungo na pabalik sa mesa. Di sadya namang nahulog ko ang serving spoon kaya kaagad ko itong pinulot. Di rin sadyang napatingin ang mga mata ko sa kinaroroonan nila Micah at nakita ko ang mga paa nila ni Suzy na naglalandian sa ilalim ng mesa. Ngayon ay alam ko na kung bakit minsan ay bigla na lang napapangiti si Suzy habang kumakain. 'Yon pala ay naglalaro kasi sila ni Micah ng paa sa ilalim ng mesa. Ang lakas naman ng loob nila na gawin iyon kahit nandito lang ako.

Nagpatay malisya na lang ako at kunyari ay hindi ko nakita ang pinaggagawa nila. Tahimik kong inilapag sa mesa ang ulam at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi ko sila pinapansin at kunyari'y hindi ko sila nahahalata.


After naming kumain, nagdecide ako na umalis na lang ng bahay. Hindi ko kayang makita sila na niloloko ako ng harapan. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. I have nowhere to go. Pakiramdam ko mag-isa lang ako, wala akong kakampi. Mabigat ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko para may mapagsabihan ng sakit na nararamdaman ko. Naisip ko na umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko at kausapin si Lance, pero naisip ko rin na baka magalit si Lance kay Micah kapag nalaman niya ang nangyayari sa loob ng bahay namin.

Sa kakalakad ko nang walang patutunguhan, inabot na ako ng gabi hanggang sa magdecide na akong umuwi. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay namin, naabutan ko sila na naglalaro sa sala, si Allison, si Suzy at si Micah. Biglang nanginig ang katawan ko, pero pinilit kong kumalma at balewalain na lang ang nakita ko. Pakiramdam ko talaga hindi na ako belong dito.

"Honey, saan ka ba galing? Tinatawagan kita kanina, pero hindi ka naman sumasagot. Pinag-alala mo ako", sincere na sabi ni Micah nang tumayo siya at akmang lalapit sana sa akin.

"Sorry, busy kasi ako kanina, eh. Pahinga muna ako, pagod na ako, eh", cold na sagot ko.

Nag-alala? Pero hindi ka naman nag-effort na hanapin ako. Siguro nakakalimutan mo ako kapag kasama mo si Suzy.

Wife's BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon